Dericks Aguirre's POV:Nandito ako ngayon sa bahay at napapahinga dahil sinamahan kong magshopping kanina si Karen kaya pagod na pagod na ako.
Pipikit na sana ako ng biglang tumunog ang Cellphone ko at tiningnan ko namn ang caller. Si Kaizer lang pala at sinagot ko namn iyon.
"Bro, punta tayong bar samahan mo akong uminom." agad namn nitong sabi.
"May problema ka ba bro?"
"Oo bro kaya samahan mo ako magpakalasing ngayong gabi."
"Sige puntahan kita dyan. Saang bar ba yan?" agad ko namang tanong.
"Sa Candy Bar bro, sa dating iniinuman natin."
"Sige punta ako dyan hintayin mo ako."
Nagpalit na muna ako ng damit at umalis na kahit pagod ako ay kakayanin kong pumunta kay Kaizer dahil sya lang talaga ang nag iisa kong kaibigan at kapatid simula pa ng bata pa ako.
Kaya kahit na anong problema namin ay nandyan kami parati sa isa't-isa.Pagkadating ko ng Candy Bar ay dumretso ako sa counter para puntahan sya doon dahil palagi namn na doon ang pwesto namin pag nag-iinuman kaming dalawa.
"Sir, nandito kana po pala" agad namn na sabi ng Bartender.
"Bakit may problema po ng wala ako dito?" umiling namin ito sa akin.
"Kasi sir mga ilang bote na po na iinumon ng kasama nyo at alam ko pong lasing na sya." napabuntong-hininga namn ako dahil sa sinabi ng bartender.
Haysst tong si Kaizer talaga alam kong madami na tong problema kaya nagkakaganito tong kaibigan ko kaya gusto ko muna syang samahan hanggang matapos tong problema nya.
Kung sa akin nga lang kung pagpipiliin nila ako na kung sino ang sasamahan ko sa dalawa, Si Kaizer ba o Si Karen.
Baka nga si Kaizer ang sasamahan ko dahil matagal ko na syang kaibigan at alam ko na rin kalukuhan nya.Umupo muna ako saglit at humingi lang ng isang basong tequilla at ininom iyon.
Pagkatapos kong inomin ang Tequilla ko ay tinawag ko ang isang bartender para tulungan akong alalayan si Kaizer papuntang kotse ko.
Sumakay na ako ng kotse ko ng mailagay na namin si Kaizer sa Backset.
Habang nagdadrive ako ay napag-isipan kong tawagan si Selene para tulungan ako.
"Selene, Si Derick to nasa bahay kana ba?" agad ko namng tanong.
"Oo, nagpapahinga na ako bakit?"
"Atska bat nasasayo ang Cellphone ni Kaizer?" nagtataka namn nitong tanong sa akin."Hmmm...kasi ganito yun, naglasing sya Selene kaya nasa akin yung phone nya at pauwi na kami dyan." agad ko namn na sabi.
"Ahh..okay bababa na ako para hintayin kayo." agad namn nitong sabi sa akin at nagpasalamat na lang ako.
(After 1 hour)
Ay nakarating na din kami sa Bahay nila ni Kaizer at bumusina na lang ako. Pinapasok namn ako ng guard dahil kilala naman nila ako.
Pinark ko na sa harapan ng pintuan nila at nakita ko na doon si Selene na nakatayo at hinihintay kaming lumabas ng kotse.
"Selene patulong naman sa pagbuhat nito masyado ng mabigat eh.." agad ko namang sabi pagkalabas ko ng sasakyan.
"Sige, pagtulungan na lang natin to. Haysst bat ba sya naglasing Derick?" agad nya namn na tanong pero nagkibit-balikat lang ako at kinuha na si Kaizer sa backseat.
Naririnig ko pa habang nilalabas ko sya kanina sa Kotse hanggang sa taas yung paghihingi nya ng Sorry kay Selene. Kaya nagkakatinginan na lang kami ni Selene dahil doon.
BINABASA MO ANG
MR. CEO'S SECRET WIFE
Roman d'amourGusto kong ishare itong kwento ko about sa Title na isinulat ko sa taas at sana suportahan nyo. leave a commet pagmedyo lame sya at aayusin ko. Thanks and Godbless😊 Published: 11/15/19 Finished: May 13, 2020