Sam's P. O. V
"Kawawa ka pala no? Yung crush mo ako yung crush and take note di ka pa pinapansin" panimula niya sabay harap sa akin. Feeling close naman ito.
"Oh ano naman? Alam mo mas kawawa ka, kasi ang pangit ng ugali mo at ang bantot ng pangalan mo" pag tataray ko.
"Talaga? At least mga magagandang Chinese lang ang gusto ni Justine di katulad mo pandak na Pinoy hahaha" biglang nag pintig ang tenga ko sa sinabi niya, oo inaamin ko na pandak ako pero nakakaasar ang babaeng to.
"Made in China na pala ang gusto niya, kung ganon mahilig pala siya sa fake katulad mong mabilis masira parang mukha mong sira. Mahilig din pala siya virus na babae. Buti natitiis ka niya? " bawi ko.
"How dare you" mabilis kong nahawakan yung kamay niya at bago ko bitawan, may sinabi pa akong mas ikinainis niya.
"Alam mo Rica, minsan naisip ko na sana ako nalang ikaw. Kaso joke lang, ang pangit mo pala at virus ka haha!"
Pabato kong binitawan ang kamay niya. "Ewww, covid! Mag wash hands na nga ako, baka kapitan ako ng virus na hatid mo" nandidiri kong sabi, sabay hugas ng kamay.
"You'll pay for this! Hmmpp.." nang gigilaiti niyang saad, saka ako tinalikuran.
Nang makabalik ako sa table namin ay dirediretso akong sumubo, pansin ko namang nakatingin silang tatlo sa akin at nakanganga pa kaya nagsalita na ako, baka kasi mapanis yung laway nila.
"What? " tanong ko then I suddenly realized that I'm brain freezing. Fuck nakalimutan kong icecream pala itong kinakain ko.
"Anong nangyari sayo Sa, at pangitingiti ka? " tanong ni Chris pero nakahawak paring yung kamay ko sa ulo.
"Nakaharap ko si Rica" sabi ko at mas hinawakan ko pa yung ulo ko dahil sobrang sakit.
"Talaga? Yung Chinese na yun talaga ang hilig sa away! " sabi ni Rhed
"Oh my god! Chinese pala yun?" sabi ni Kyla.
"Muntikan pang nasampal ang napaka ganda kong mukha" sabi ko.
"Saang banda?" saad nito habamg sinusuri ni Rhed yung buo kong mukha. Inggit talaga itong biik na to.
Nang matapos naming lumibot napagdesisyonan naming umuwi na dahil mag gagabi narin.
Pinauna na ako ni Rhed para daw hindi ako masyadong magabihan sa daan dahil may pinapadaan pa daw ang mama niya sakanya.
Hinihintay ko nalang na may dumaang taxi sa harap ko dahil ayaw ko namang mag pasundo kina daddy. Nasa kalagitnaan ako ng pag hihintay ko nang makita ko si Lizel.
"Hi"mahinhin na sabi nito.
"Hello? Uuwi kana rin ba? " alanganing sagot ko.
"Oo buti nalang at naabutan kita" sabi niya, siya ang pinaka weird sa aming mag kakaklase kaya wala siyang masyadong kaibigan. Napaka awkward niya din kausap.
Agad naming pinara yung paparating na taxi. Nang huminto na ito sa harap namin agad kaming sumakay. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng bigla siyang nagsalita.
"Pwede ba akong makipag kaibigan sa inyo? " sabi nito at nahihiya pang tumingin sa akin. "Haha paniguradong hindi ang sagot mo kasi sino ba naman ang gustong makipag kaibigan sa katulad kong weird-"
I cut her off dahil ayokong marinig ang susunod niyang sasabihin, seriously pati siya sinasabihan ang sarili niyang weird? Though weird naman talaga siya.
"Of course,why not? " sabi ko kahit na medyo alangan ang ngiti ko sa kanya.
"Really? Thank you. " sabi nito at hinawakan niya ang kamay ko. Naawa naman ako sakanya dahil halata mong wala talaga siyang kaibigan. I guess kelangan niya talaga ng masasandagan, para hindi niya sarilihin ang problems niya kung meron man.
"Ahmm kuya dito na po ako, thank you ulit Doreen ingat ka" then she waved at me. Maliit lang pala bahay nila. Oo alam kong magka lapit lang kami ng subdivision pero ngayon ko lang nakita kung saan sila banda nakatira.
Nang makauwi ako, agad akong naligo at nag bihis pantulog. Habang nag susuklay ako binuksan ko ang phone ko at laking gulat ko na makita ang mga status na naka tag sa akin.
"kala mo anghel demonyo pala"
"wala kang awa ang kapal nang mukha mong pagsasampalin si Rica! "
"Spoiled brat "
"bitch"
"Ang kapal ng mukha mong sampalin si Rica"
"Ikaw ang malandi hindi si Rica"
"Kawawa naman si Rica"
"Ang gulo ng buhok niya nung nakita ko kanina".
Fuck. Ano to? Hindi ko sinampal si Rica kanina at ako nanaman ang pinalabas dito na masama. Ughh humanda ka sa akin Rica dudungisan ko talaga yang mukha mo. Sinampal pala ah?
Pwes sasampalin talaga kita kaliwat kanan, kung gusto mo pababa at pataas pa para madagdagan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...