Mabilis at malalakas ang tibok sa dibdib ni Maggie habang palihim na sinusundan ang sasakyan ng kanyang asawa. Ingat na ingat siyang simplehan ang pagbubuntot dahil ayaw niyang makahalata ito and the last thing she wants to do is to explain whatever distrust she has for him.
Napakunot ang kanyang noo nang humimpil ang sasakyan ni Troy sa isang flower shop. Baka pupunta sa sementeryo, anang kanyang isip na bahagyang na guilty dahil sa pag iisip ng masama tungkol sa asawa dahil lang sa tinatawag na female intuition. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang kanyang kaba.
"Please don't let it be what I think it is..." pabulong na usal niya nang paulit ulit, chanting the sentence like a mantra.
Hindi nagtagal at lumabas ang kanyang asawa sa flower shop bitbit isang boquet ng bulaklak.
Tulips? Tulips.
Hindi pupunta sa sementeryo si Troy. Hindi rin para sa kanya ang mga bulaklak dahil kadalasan ay iba't ibang klase ng mga bulaklak ang pinalalagay nito sa boquet. At hindi niya paborito ang tulips.
Sinundan niya pa rin ng palihim ang kotse ng asawa habang papunta ito sa hindi pamilyar na lugar. Mabuti na lamang at pinahiraman siya ni Amanda ng sasakyan. Kabisado kasi ni Troy ang kanyang kotse kaya kung nagkataon baka nakahalata ito. At kung tama ang kanyang hinala, gusto niyang makumpirma.
Papasok na sila sa isang second class na subdivision at aware siya na strikto ang mga gwardiya kaya dinikitan niya ang sasakyan ng asawa at ibinaba ang tinted na salamin ng kotse nang matapat sa guard.
"Kasama ko ho..." nakangiting sabi niya sa gwardiya sabay turo sa sasakyang nasa unahan. Tinanguan naman siya ng gwardiya at sinaluduhan. Kahit pa kabado, nagawa niyang matawa.
Ilang sandali pa ay huminto ang kanyang asawa sa harap ng isang bungalow. She parked Mandy's car a good distance away from Troy's at pinagmasdan ang asawa habang nakangiting pumindot sa pinto. She had the urge to confront him right that very moment pero nanaig ang curiosity at ang pag asang mali lang siya ng hinala.
Tila naman tuksong nagbalik sa kanyang isip ang mga pag-uusap nila ni Amanda.
"Come on, Maggie. Paano mo ipapaliwanag ang mga hindi niya pag-uwi at ang mga unexplained, urgent bussiness trips niya? Kung ako sa iyo, makiramdam ka na. Ganyan si Aaron noon."
Noong una, in denial siya. Hindi niya matanggap na magloloko si Troy sa crucial part ng kanilang buhay. They just lost their son at naniwala siyang hindi magagawa ni Troy iyon. Hanggang sa paunti unti ay nakakakita siya ng mga bagay na nagpapatibay ng hinala niya.
Una ay hindi ito umuwi ng magdamag. Nag overtime daw sa trabaho. Inakala niya noon na magpapahinga ito maghapon pero nagulat siya nang umalis din ito agad. Tinawagan pa nga niya ang kanyang biyenang lalaki na siyang superior ni Troy sa trabaho at biniro na huwag naman pahirapan ang kanyang asawa pero lalo siyang nagulat nang sabihin nitong hindi daw nag overtime si Troy.
"Hija, alam kong kailangan ka ng asawa mo ngayon. Bakit ko naman iyon gagawin? In fact, dalawang araw na hindi pumasok si Troy. Kanina lang siya lumitaw dito sa opisina. May problema ba anak?"
Sumunod ay ang nakita niyang dalawang ticket para sa Asian cruise. Excited siya noong aksidente niya iyong makita. Inakala kasi niyang para sa kanilang mag asawa iyon pero hindi ito nagyaya gaya ng inaakala niya. Nagpaalam itong aalis ng bansa para sa isang bussiness trip. Hindi na lamang niya sinabing nakita niya ang dalawang ticket.
Pero ang huli ang pinaka nagpakaba sa kanya. Kagabi lamang iyon nangyari. Tulog na ang kanyang asawa noong naramdaman niyang mag vibrate ang phone nito na nakapatong sa bedside table. 'Archie' ang nakarehistrong tumatawag. Kilala niya iyon dahil pinsan iyon ni Troy. Nagtaka man, sinagot niya ang tawag dahil close naman sila ng binatilyo.
"Hello? Bakit ka napatawag ng ganitong oras, Chie? May nangyari ba?"
Biglang pinatay ni Archie ang tawag. Napailing na lang siya. Weird.
Binuksan niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Archie dahil may unlock pattern ang cellphone ng kanyang asawa. Nakailang ring din bago sinagot ng binatilyo ang kanyang tawag. Tila inaantok pa at kagigising ang tinig nito habang tinatanong kung may nangyari ba at bakit siya napatawag sa alanganing oras ng gabi. Nagtaka man, Humingi na lang siya ng dispensa at sinabing nagkamali siya ng tinawagan saka nagpaalam. Hindi na siya nakatulog hanggang mag umaga.
Naputol ang kanyang gunita nang makitang bumukas ang pinto at isang babae ang nagbukas niyon. Nagsalo ang dalawa sa isang mapusok na halik bago hinila ng babae si Troy sa loob ng bahay.
"No..." nanghihinang bulong niya. "This can't be happening."
For the second time in a year, she felt broken. Miserably broken. The first is when they lost their only child, TJ in a fateful car accident. Pero unlike noon, inalalayan siya ni Troy sa madilim na parte ng kanilang buhay. He stood as her anchor and shelter noong mga panahong tila ayaw na niyang mabuhay. Losing a son is much worst than losing anything. But what is worst than losing both a son and an anchor?
Hilam ang mga luha sa kanyang mata nang lisanin niya ang lugar na iyon. Tila walang direksyon ang kanyang pagdadrive. Huminto na siya nang mapansing nasa sementeryo siya. Dahan dahan siyang naglakad palapit sa puntod ng yumaong anak at ibinuhos ang lahat ng natitirang luha.
Hindi na niya namalayan ang mga oras hanggang sa maidlip siya nang mapagod kaiiyak. Ginising siya ng caretaker.
"Ma'am, magsasara na po kami..." tila humihingi nang dispensang paalam nito. Mabilis siyang tumayo ay pinagpag ang jeans saka ito tanguan.
"Pasensya na kuya." Hinging paumanhin niya. "Hindi ko namalayan ang oras."
"Ayos lang Ma'am. Ingat po kayo pauwi."
Muli siyang tumango at naglakad papunta sa kinapaparadahan ng kotse.
"Now what, Margaret? Saan ka na pupunta?" Tanong niya sa sarili matapos ilang sandaling matulala sa loob ng kotse.
"Anywhere." Sagot niya sa sariling tanong at saka pinaharurot ang kanyang kotse.
♡~♡~♡~♡~♡
BINABASA MO ANG
MGA TINTANG LIGAW
Short StoryKoleksyon ng mga kwentong nagsasaad ng mga totoong pangyayari sa buhay. May drama, comedy, romance, horror atbp. *bawat kwento po ay kathang isip lamang bagamat sumasalamin sa mga tunay na pangyayari. Pawang orihinal po ang mga ito at bunga ng ilang...