Rhed's P. O. V
Hi..pakilala muna ako hehe.. Im Allen Rhed James Dublin..18 years old, and yeahhh one of Sam's best friend.Madalas din akong tawaging James,dahil kamukha ko daw si James Reid, saka masyado daw akong gwapo.
Nasa school na kaming tatlo at hinihintay namin si Sam sa may field dahil may gusto kaming itanong sa kanya.
Nang matanaw namin siya sa di kalayuan bigla napakunot ang noo namin ng hindi siya huminto sa harap namin. Dirediretso siyang nag lakad ng mabilis at halatang galit na galit.
Pagka lingon namin sa likod, mabilis pa sa alas kwatrong pinag sasampal niya si Intsik at pinag sasabunot hanggang sa masubsub ito sa lupa.Owww nice one.
"Aawat ba ako? " tanong ni Kyla na mabilis kong inilingan.
"Hayaan muna natin pag umiyak na saka lang tayo umawat" saad ko.
Ngayon lang namin siyang nakitang ganyan kaya inenjoy muna naming manood. Nang nakabawi si Intsik dahil tinulungan siya ng kanyang alipores bigla akong napatayo.
"Oh anong gagawin mo? Shit don't tell me-" hindi ko na pinatapos si Kyla, agad akong nag lakad palapit kay Sam.
Walang pwedeng dumungis ng mukha ng best friend ko. Pansin ko naman na sumunod sila Kyla at Chris, yehez to the rescue kami.
"Not my Best Friend you daughter of a bitch" gulat akong napatingin kay Kyla ng pinag sasampal niya ang nananabunot kay Sam. Grabe unexpected yun ah.
"Prrttt! " pito saamin ng guard na kasama ang principal.
"All of you in my office now! " sigaw sa amin ni dracula.
Pumunta kaming lahat sa office niya na para bang feel at home kami dahil umupo kami sa sofa ng walang pahintulot niya.
Bakit ba? Punta daw kami dito eh..edi invited kami!
"Mr. Dublin tawagan mo ang parents mo at sabihing pumunta dito sa office ko ngayon. na." galit na sabi nito. Paano ba namang hindi siya magagalit eh sinabunutan ko yung alipores ni Intsik."Pati kayo tawagan niyo ang parents or guardian niyo ngayon. na. " galit na sabi nito.
"Jusmiyo kayong mga bata kayo! Para kayong mga elementary, mas masahol pa kayo sa mga bata kung magrambulan! Kayo namang dalwang lalaki? Imbis na pahintuin sila, aba'y nakisali pa kayo! Ang lakas niyo jung manabunot, daig niyo pa ang mga babae, ano kayo mga bading? Hay jusko, tatanda ako lalo sa inyo."
"Bakit hindi mo pa tawagan sina tita Rhed? " bulong ni Doreen, hlabang nag tatype sa phone niya.
Napansin niya siguro na hindi ako kumikilos.
"Mas mahalaga ang negosyo nila kaysa sa akin, saka hindi din pupunta ang mga yun dahil hindi ako mahalaga" paliwanag ko.
Nag kibitbalikat nalang siya sa sagot ko. Alam niya narin kasi siguro ang isasagot ko.
Dumating na rin ang magulang nila habang ako naman ay naka sandal lang sa sofa na para bang ako ang boss dito.
Nag usap usap sila at napag desisyunan na isuspend kami ng isang linggo. Si Intsik naman ay pina uwi muna dahil sa mga sugat na natamo nito.
Yess mahabang bakasyon nanaman ito. Bago kami umuwi nag punta muna kami sa park at nagkuwentuhan.
"Bakit ka nga pala viral ngayon? " tanong ni Chris kay Sam.
"Siyempre nag hatid ng fake news si Chinese" sabi niya na parang boring ang pinag uusapan.
"Lagot ako sa parents ko, lagot talaga ako" tulalang saad ni Kyla, hindi din niya tinawagan ang parents niya. Takot kasi siyang bumaba ang rank niya sa school siya kasi ang number one saka takot siyang mapagalitan.
"Hayaan mo Kyla kami na ang mag eexplain " sabi ko.
"Tara sa bahay nila Kyla?" suggestion ko.
Pumunta kami sa bahay nila at inexplain na namin ito sa mommy niya hindi naman ito nagalit kundi'y, natawa pa ito nung kinuwento ko yung ginawa niya eh.
"Oh mag meryenda muna kayo oh, nag bake ako ng cookies" biglang kuminang ang mata ko ng makita ko yun.
"Wahh thank you tita, you know na talaga what's my favorite" sabi ko habang lumalamon.
Nasa kalagitnaan kami ng katuwaan ng biglang may nag doorbell.
"Wait lang bubuksan ko muna" saad nito at lumabas muna.
Pagkabalik niya may kasama na siya and unexpected na si Lizel yun our weird classmate.
"Uhmmm..hi" mahinhin na sabi nito. Napatingin ako kina Chris, natawa ako sa mga reaction nila dahil pare pareho silang tulala except kay Sam na malapad ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...