Chris P. O. V
Konnichiwa..Im Chris Jayson Wedell Im 19 years old, pangalawa kay Kyla na matanda hahaha,..shhhh..lang kayo ah! Baka magalit sa akin..proceed na nga.
Habang nag momovie marathon kami dito sa salas nila Lizel napansin kong si Kyla ay inaantok na dahil kanina pa hikab ng hikab.
Nang hiram nalang ako sa maid ng comforter,unan at kumot dahil ayoko siyang magising.
Grave tulog mantika talaga ang babaeng to,ginawa pang unan ang braso ko. Habang nakatitig ako sa mukha niya pansin kong bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Tinanggal ko ang mga buhok niyang tumatabing sa mukha niya, ang amo pala ng dragon na to pag tulog.
"Sir nakalatag na po" sabi ng maid,nag pasalamat ako at iniwan na niya kami.
Binuhat ko siya pababa sa comforter para maka tulog siya ng maayos at hindi mangalay. Grabe may pagka bigat pala itong dragon na to.
Napangisi naman ako ng makita ko si Rhed na nakahiga sa sofa at tabi si Sasa habang hinahagod nito ang buhok ni Sasa.
"Wag masyadong titigan baka matunaw" pabulong na biro ni Lizel kay Rhed.
"dyan muna kayo kukuha lang ako ng gamit para dito na tayo matulog lahat" tumango kaming dalawa at umalis na siya papuntang kwarto niya."Baka mamaya langgamin kayo diyan ah" sabi ko. Paano ba naman naka higa lang naman silang dalawa sa sofa at naka patong ang ulo ni Sasa sa dibdib ni Rhed, mukha tuloy silang mag jowa.
"Ulol" sabi niya at binato ako ng unan.
Napangisi nalang ako sa ginawa niya, loko tong gagong to,natotorpe nanaman kay Sasa.Alam kasi naming dalawa ni Kyla na may gusto si Rhed kay Sasa kaya hindi nito pinapahalata na may gusto ito sa kanya kasi natatakot siyang malaman ito at baka layuan siya.
Nakaramdam na din ako ng antok kaya humiga na ako sa tabi ni Kyla,nakakahiya naman sa dalawa kung makikisiksik pa ako sa sofa, kasya kasi ang dalawang tao doon pag humiga para na rin siyang kama.
Napahikab nalang ako at maya maya biglang bumagsak na ang talukap ko.
Nagising ako ng may marinig akong hagikgikan sa tabi ko kaya na alimpungatan ako at biglang tumayo.
"Sorry nagising ka ata namin" sabi ni Kyla.
Umiling nalang ako bilang sagot, lumapit siya sa akin at nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa akin. Ito nanaman yung puso ko.
"Ihhh..sorry na kasi, pansinin mo na ako" parang batang sumbong niya sa akin. Napatawa nalang ako sa inasal niya.
"Miss mo lang ako kamo!" pang aasar ko at niyakap ko rin siya pabalik.Ganito kami since bata pa kami, kaya normal na sa amin ang mag yakapan. "Teka nga? Bat ba kayo tumatawa,yan tuloy nasira ang tulog ko" bigla kong tanong ng mag hiwalay kami.
"Dahil don" sabay turo ni Lizel sa dalawa.
Kaya pala isa ding tulog mantika, mahuhulog na kasi silang dalawa at take note mag kayakap pa.Boogssshhhh
Tawanan kaming tatlo ng mahulog silang dalawa sa sahig, buti nalang at naka video para may remembrance sa dalawa hahaha.
"Ouch" sabay na sabi ng dalawa habang nakahawak sa ulo nila.
"Captured" sabi ni Kyla. Kaya napa tingin ang dalawa sa amin.
"Bwisit ka Rhed,tinulak mo ako no? " sisi ni Sasa kay Rhed .
"Anong ako? Baka ikaw diyan, dulo kaya ako ng sofa" sabi niya sabay himas sa ulo niya.
"Bat ka kasi nakikitabi ha?" baling nito.
"Wala na akong pwesto paki mo? " iniwan nalang namin silang nag babangayan dahil pumunta kami sa kitchen para sa hapunan namin.
Gusto kasi nilang gawa nila para daw enjoy ang pag tira dito ng ilang araw.
"Asan pala parents mo Lizel? " natanong ko. Kasi yun di ang goal namin dito para magibg close sa parents niya.
"Ah mamaya maya dadating na sila, may biglaang meeting kasi. " sagot niya habang hinahanda ang ingredients.
"Wow carrots" sabay dampot ni Sasa sa nahiwang carrots ni Kyla.
Sinipat naman ito ni Rhed sa kamay kaya nabitawan niya ito.
"Problema mo?" sabi niya kay Rhed at humarap.
"Dipa nahuhugasan, saka tumulong kanalang muna bago ka lumamon diyan.Maubos pa ingredient sayo" sabi ni Rhed at hinugasan ang mga carrots na na hiwa na.
"Sa hindi ako marunong mag luto? " sabi nito kaya napatawa nalang kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...