Chapter 12

48 5 1
                                    

Chris P. O. V

Nagbabasket ball ako ng magring ang phone ko, lumapit ako sa may upuan at kinuha ko ang phone ko.

Unknown number..

Sino kaya to?

" Hello? "

Ang tahimik ng kabilang linya kaya nainis ako.

"Whos these? " inis na tanong ko. Pero wala paring sumasagot kayo binato ko pabalik ang phone ko at naglaro na ulit.

'Tenenententen.. tenen..'

Lumapit ulit ako at inis na kinuha ng phone ko. 'Unknown number ' pinagloloko ba ako nito??

"Who's these? " sagot ko agad pero tahimik parin ang linya. "If you're pranking stop it,this is not funny!" sigaw ko, then I ended the call. Binato ko ang phone ko.

Di pa ako nakakaalis sa pwesto ko ng may tumawag ulit. Pinagloloko ba ako ng gagong to.

"Diba sinabi ko na, na hindi ako natutuwa kaya kung tatawag ka lang para mang loko ayy wag ako ang istorbohin mo!" Galit na talaga na sigaw ko.

I-iend ko na sana nung may magsalita sa kabilang linya.

"Hoy anong sinasabi mo? " putik pamilyar yung boses ahh. Tinignan ko ang phone ko at nakita ko na si Kyla pala.

"Ahyy sorry ikaw pala yan,sorry babe"
Sabi ko at hininaan na ang boses ko.

"Babe mo mukha mo" sabi niya. Hayy nag tataray nanaman to panigurado. "Sino ba kausap mo kanina at kung makasigaw ka akala mo naman ay inaway ka? "

"May tumawag kasi kanina na Unknown number pero di ako sinasagot" inis kong sabi ng maalala yung bwisit na yun.

"Bakit nililigawan mo ba? " nag taka naman ako sa tanong niya.

"H-ha? "

"Tsk..Slow..sabi ko kung nililigawan mo ba dahil ayaw ka niyang sagutin." pag uulit niya, pero this time I get her.

"Ahyyy hahahaha" naiusal ko nalang.

"Bakit ang bobo mo? Chowzzz hahahaah" sabi niya at humalakhak.

"Ikaw,bakit ang ganda mo? " panloloko ko pero bigla siyang natahimik.

Problema nito?

"Hey still there? " tanong ko dahil di na siya nag reresponse,tinignan ko yung phone ko pero meron pa naman.

"Ah,oo nandito pa" sabi niya.

"Don't tell me na, naniwala ka kanina sa question ko?" I teased her.

"H-hindi ahh! " utal niyang sabi kaya natawa ako.

Hindi daw pero nauutal? Tsk. Tsk.

"Oh bakit ka pala napatawag" I changed the topic.

"Yayayain sana kitang bisitahin sila Doreen"

"Sila? " takang tanong ko

"Mmm.. Kasama niya kasi si Allen ngayon doon nga din yun natulog eh,kasi walang kasama si Doreen sa bahay nila"

"Ah" naiusal ko nalang.

"So?? Tara?? " tanong niya.

"Sige,maliligo lang ako then I will pick you up" sabi ko.

"K" then she ended the call.

Mabilis lang ako naligo at nagdrive na papunta sa bahay nila Kyla.

"Lets go" sabi ko at bumaba para umikot at pag buksan siya ng pinto.

"Punta muna tayo ng mall,lets buy some fruits for her"

Tumango nalang ako at inistart ko na ang engine. Tahimik kami sa byahe at nang makarating sa mall ay bumaba na kami at pinuntahan na ang fruit stole.

"Uyyy ang pogi!" tili ng sales lady

Kaya tumingin ako sa paligid pero konti lang ang tao at wala naman akong nakitang gwapo.

"Uyy marinig ka Jhervegail "

"Bayaan mo na Dea basta mapansin ako"
Sabi nito..teka ako ba ang pinag uusapan nitong mga to.

Tumingin ako sakanila at ngumiti, at tama nga ako dahil ako nga ang pinag uusapan nila dahil nag tilian sila nung ngumiti ako.

"Gosshh patayin mo na ako Dea"

"Hoy ang O. A mo Jherve"

"Nginitian niya ako,grabe ang pogi niya"

"Uyyy Chris tulungan mo akong mamili" nabaling ang atensiyon ko kay Kyla ng mag salita ito.

"Ahyy may girlfriend na siya" sabi nung Dea sa pag kakarinig ko sa pangalan niya kanina.

"Baka hindi, mukhang unano ihh"

"Ako ba yung sinasabihan mo?? " hahaha nakoo patay kang bata ka, marinig niya na ang lahat wag lang sabihan yan ng unano.

"Bakit may sinabi ba akong ikaw? " nagtaray narin yung Jhervegail.

"Hoy umayos ka dahil costumer mo ako"Oo nga naman costumer is always right.

"Di ka naman kawalan no? Marami pa kaming ibang costumer di lang ikaw" sabi nito.

"Huy manahimik kana nakakahiya ka, costumer parin natin yan" sabi nung Dea at pilit na pinapahinahon nito yung Jhervegail.

"Ilan kinikita mo sa buong taon ha? " matapang at parang ng hahamon nitong sabi kay Jhervegail.

"More then 100k bakit? "

"Ha!  Ang yabang mo,samantalang yang kinikita mo eh kayang kaya kong hingin sa nanay ko ngayon. Baka gusto mong makita laman ng wallet ko ngayon? " sarcastic niyang sabi.

"Paki ko sa wallet mo" Hay nako kung nanahimik kana  edi sana di na dumadakdak itong kasama ko. Mamaya maging dinakdakan ka diyan.

"Stop it Kyla, lets move to another place" sabi ko dahil alam kong hindi na ito titigil.

"Ahhh..alam kona? Gusto mong maging jowa to? " sabi niya sabay kapit niya sa akin" Well sorry ka,dahil akin siya. " malumanay pero nang aasar na sabi nito habang nakataas pa ang kilay nito.

"Walang forever,maghihiwalay din kayo" sabi nito at nag rolled eyes pa siya.

"Ha! Asaka.com.ph/maglaslas kana ngayon" sabi nito at hinila na ako paalis doon.

Bumili kami sa ibang stole at ng maalala ko ang mga sinabi niya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tinignan ko siya habang nagbabayad sa cashier.

Umulit ulit ang mga salita na yun sa utak ko.

Well sorry ka dahil akin siya..

Well sorry ka dahil akin siya..

Well sorry ka dahil akin siya..

Akin siya..

Akin siya..

Akin siya..

"Huyy tara na!" bumalik nalang ako sa realidad ng nagsalita siya.

Napatitig ulit ako sakanya,  hinila niya na ako palabas hanggang sa parking lot.

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon