Sam's P. O. V
Naiinis ako sa sarili ko dahil mukha akong tanga doon kanina, napaka obsessed ko sakanya. Yan tuloy napahiya pa ako sa maraming tao.
Ang sakit nung sinabi niyang I don't want you, ina mo,as if naman na kawalan ka. Patuloy parin ang paglalakad ko kasabay ng pag agos ng mga luha ko.
Nagulat ako ng may humawak sa shoulders ko kaya napaharap ako, pero agad akong yumakap sakanya,dahil hindi ko na kaya yung sakit na narardaman ko ngayon, biruin mo ba naman kasi, long time crush ko yun tapos yun ang maririnig mo sakanya.
"Iiyak mo lang,nandito lang ako" mas lalo akong umiyak dahil sa sinabi ni Rhed. He was trying to comfort me while patting my head. I took a deap breath then I face him.
Biglang pumasok sa utak ko ang mga tanong na kung bakit hindi nalang siya yung nagustuhan ko kaysa sa Justine na yun.
"T-thank you Rhed, for being there" sabi ko.
Pumasok nalang kami sa sasakyan niya kahit na nakakahiya dahil sa itsura ng pinaint ng Rica na yun.Umuwi kami sa bahay ng tahimik at dumeretso sa salas. Umupo siya sa tabi ko, ewan ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon, sumandal ako sa balikat niya at ipinikit ang mga mata ko.
"Bakit hindi nalang ikaw? Sana ikaw nalang ang nagustuhan ko dahil mas mabait ka kaysa sa kanya" nagulat ako sa sarili ko dahil naiusal ko ang mga katagang yun.
"Sana nga ako nalang,ako nalang ang nagustuhan mo dahil hindi kita pababayaan at sasaktan" naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa narinig kong yun.
Bakit ganito? Crush lang yun di ko naman jowa ah?? Ang drama ko pala masyado kaya puros katangahan ang pumapasok sa utak ko.
Bakit pag sinasabi niya lahat yan bumibilis tibok ng puso ko, bakit hindi ko ito naramdaman kay Justine?
"Maswerte ang mamahalin mo,dahil sa kabaitan mo at pagmamahal mo"
"Pero mas maswerte ako kung ikaw yung taong yun."Napaangat ako ng ulo at tinignan ko siya,nakatingin din siya sa akin at nakita ko ang seryoso niyang mukha."Sam gusto kita,matagal na at natatakot lang ako na pag nalaman mo ay hindi mo na ako pansinin. "
Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug Tug dug Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug Tug dug Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug Tug dug Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug Tug dug Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug dug.. Tug.
"Bakit ako? " tanong ko na hindi parin makapaniwala.
"Kasi ikaw na talaga ang tinitibok nito" sabi niya sabay turo sa dibdib niya.
"Ewan ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko tuwing kasama kita, kakaiba ito sa lahat ng naramdaman ko" hindi parin makapaniwalang sabi ko.
"Hayaan mong mahalin kita at ligawan ka sana ay pumayag ka para malaman mo kung ano ang nararamdaman mo talaga para sa akin"
"Pero Rhed ang pag mamahal ay hindi natututunan kundi kusa itong nararamdaman" sabi ko.
"Kaya nga hayaan mo akong mahalin ka para malaman mo ang nararamdaman mo" seryoso niyang sabi.
"Natatakot ako...natatakot akong baka mapaasa kita..natatakot akong baka pag hinahanap ko o hinihintay ko kung ano ang sagot ng puso ko ay mawala kana sa akin o mag sawa kana.. " I said in disbelief tone. I shook my head because I saw his reaction.
"Dont be afraid because I will never leave you" he said, at kinuha ang mga pisngi ko.
"Hindi ako mag sasawa sa kahihintay sayo"
Then our eyes met. This time ay nawala ang kaba ko kahit papaano.Dahandahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko, unti unti niyang pinikit ang mga mata niya at ganon rin ako. Unti unting nag lapat ang aming labi, nagulat ako dahil wala akong naramdaman na pag aalinlangan.
"Holly Shit! "
"Oh my-What the heck? "
Nagulat ako sa mga boses na yun kaya naimulat ko ang mga mata ko at laking gulat ko ng makita sila Kyla na nkatayo sa pinto at nalaglag na ang kanilang mga plastic bags,naitulak ko si Rhed dahil sa gulat.
"Ahh..akyat muna akk saglit hehe" sabi ko at mabilis na pumasok sa kwarto ko at inilock ang pinto.
Napasandag ako sa pintuan ko at pinakiramdaman ang puso ko, halos lumabas na ito dahil sa lakas ng pag palpitat nito.
Dahan dahan kong hinawakan ang labi ko habang napapaupo. Totoo ba ito o panaginip lang?
Kung panaginip man ito ay sana magising na ako, pero kinurot ko ang kamay ko pero nakaramdam ako ng sakit. Hinawakan ko ulit yung labi ko at saka ko na alala yung halikan naming dalawa,grabe ang lambot ng labi niya.
Tumakbo ako sa kama ko saka nag dive,napayakap nalang ako sa unan ko dahil sa sobrang kilig na naramdaman ko. Ngayon mukhang alam ko na ang isasagot ko sakanya dahil base sa nararamdamab ko ngayon.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...