CHAPTER 17

16.2K 350 5
                                    

HABANG inaayos ko yung buhok ko ay bumukas yung pintuan.

Napatingin ako mula sa salamin, si Thirdy ang pumasok.

"Bakit?" Tanong ko.

Umupo siya sa kama ko malapit dito sa vanity kung saan ko nakaupo.

"Wala naman." Sabi niya at bigla siyang ngumiti dahilan para mapatulala ako.

Nakatitig lang ako sa kaniya mula sa salamin, gwapo niya lalo pag nakangiti.

"Hey!"

Napakurap ako. "S–sorry, first time lang kasi kita makita na nakangiti." Nahihiya na sabi ko.

"Gusto mo ba palagi ako nakangiti?" Tanong nito.

Humarap ako sa kaniya. "Pwede ba?"

"Oo." Sagot nito, ngumiti ako.

Para naman hindi ka palaging nakasimangot na lang. Gwapo ka lalo kung ngingiti ka palagi.

"Thank you."

Tumingin siya sa buhok ko na hawak ko, hindi ko naayos talaga.

"Can I?"

Tumango ako at nilugay yung buhok ko saka ibinigay yung brash.

Parang ang hinhin niya magsuklay sa buhok ko, napangiti lang ako.

"You know I dream about this. Inaasikaso daw kita palagi. Sana lang huwag mo na ako saktan." Bulong nito sa dulo pero narinig ko pa din siya.

"Huwag ka na saktan?" Nagtataka na tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"Never mind." Ngiting sabi niya.

Hindi na ako umimik at hinayaan siya. "Ang swerte ng magiging girlfriend mo." Wala sa sarili na sabi ko.

"Hm, really?"

Tumango ako. "Oo kasi hindi ko expected na ganito ka pala."

Natawa siya dahilan para mapatulala na naman ako. "Tulala ka na naman." Sabi niya.

Napakurap ako. "Tumawa ka." Mahinang saad ko.

Matapos niya na suklayan ang buhok ko ay inipit niya sa likod ng tenga ko, dahilan para magulat na naman ako sa pangatlong pagkakataon.

"Sana palagi ka mabait sakin." Sabi ko.

"I will if you do what I want, huwag matigas ang ulo."

Tumango ako bilang sagot.

"Huwag ka na magpapakita sa ex-boyfriend mo. Maliwanag ba?"

Natigilan ako pero kaagad ako tumango.

Ngumiti ulit siya. "Very good, pag sumuway ka hindi mo magugustuhan ulit gagawin ko sayo." Sabi nito.

"Noted." Sabi ko.

The Owner ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon