"Art, hindi mo kailangang itago sa lahat na isa kang Del Fuego".
Pagtatalunan nanaman ba natin ito "Kulot"? ilang beses ko na sinabi sayo na ayoko namang malaman nilang lahat na isa akong Del Fuego. Ayoko lang naman na sumama yung tingin nila sakin, alam mo namang madaming takot sa pamilya ko. Paliwanag ko ulit sa kanya.
Hindi ko lang talaga kasi maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Nag-aalala lang naman ako sa'yo kaya ako ganito. Tsaka di mo din ako masisisi kasi sakin ka ibinilin ng....
Oo na, kakasawa na yang sinasabi mo."Pagputol ko sa sasabihin nya" Alam kong sayo ako ibinilin ni Mommy bago sya mawala, pero di mo naman na kailangang gawin yon. Alam kong nag-aalala ka lang din sakin, kaya ko sarili ko okay? No need to worry, sasabihin ko naman sayo kapag kailangan ko ng tulong eh.
Sa ngayon ang kailangan ko lang sayo ay ang alagaan 'tong mansyon, uuwi naman ako dito tuwing linggo. So, ikaw na muna bahala dito ha? Kailangan ko ng umalis mag-aayos pa ko sa apartment na nilipatan ko. Puntahan mo na lang ako doon kapag may sasabihin or kailangan ka.
Wala na din naman akong magagawa sa desisyon mo Art. Sige, ako ng bahala dito sa mansion. Basta kapag kailangan mo ng tulong lagi lang naman akong nasa tabi mo pwede mo ko kausapin anytime. Mag-iingat ka don sa lilipatan mo ha? Dadalawin na lang kita doon kapag uwian na galing school. Nakangiting sabi sakin ni Kulot..
Sige na, alis na ko ingat ka dito. Bye!
Tara na po Mang Roberto, alis na po tayo baka gabihin pa tayo sa daan.
Sige po Sir!
Mang Roberto ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo na kong tawaging Sir?! hay naku.
Nasanay lang ako A...rt, kasi yan ang sabi ni madaam, ang tawagin kang Sir! paliwanag ni Mang Robert.
Si Mommy nanaman. Wala na po si Mommy okay? Hindi nyo na po kailangang mag-ala alipin. Ako na po ang kasama nyo dito, wala na po kayong dapat ikatakot, pamilya na po ang turing ko sa inyo ni Lala Solly kaya di nyo na po ako kailangan i-galang. paliwanag ko naman sa kanya.
Wala na din naman akong magagawa Art, tara na! pagsukong sagot ni Mang Roberto
~
Pakibaba na lang po dyan lahat sa salas ng gamit Mang Roberto ako na lang po mag-aayos nyan. utos ko sa kanya.
Sige, talaga bang ayos ka lang dito sa bago mong titigilan? pag-aalalang tanong ni Mang Roberto.
Opo naman po. Kaya ko naman po ang sarili ko. Wala po kayo dapat na ipangamba ayos lang po ako dito. Sige na po, bumalik na po kayo sa Mansion, kayo na po muna ang bahala don ni Lala Solly. At pakisabi po kay Kulot na huwag na huwag syang pupunta dito kung wala naman syang gagawin dito. mahabang paalala ko dito..
Sige Art makakarating, ingat ka dito alis na ko. Paalam naman nito
Ingat din po kayo...
Mukhang magiging abala ako sa pag-aayos ng bagong tirahan ko ah! "Goodluck Mr. Art Del Fuego"
.....
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Revenge (boyxboy)
AksiSa pag-asang magbabago ang tingin nila sayo, kinailangan mong baguhin ang sarili mo, pero sa pagbabagong ito dito ka pala paglalaruan ng mga akala mong totoo sa'yo. Hanggang sa dumating sa punto na buhay mo na ang pinaglaruan nila. Paano kaya nila h...