Kringgggg! kringggg! kringggggg!
Kakabingi naman itong alarm na ito. jusko! ang sakit ng katawan koooo. Dapat pala sinama ko na lang si Lala Solly dito para may katulong ako mag-ayos ng bahay.
[akala ko ba kaya mo na sarili mo?] tanong ng sarili ko sa salamin.
Nababaliw na ba ko? Kinakausap ko sarili ko. Pagod lang siguro talaga to.
Ngayong araw na nga pala ang umpisa ng klase. Sana naman madali akong makapag-adjust sa school at sa mga magiging classmate ko
~
Para po.... sigaw ko sa driver ng jeep. Hindi naman malayo sa apartment ang school namin kaya madali lang din ako nakarating. Ito na, nasa harap na ko ng kulay maroon na gate ng bagong school ko. Goodluck!
Room 108... ito na yon. pumasok na din ako agad matapos kong makita ang room na nakalagay dito sa schedule ko. Mukhang mahihirapan nga kong mag-adjust dito sa mga kaklase ko ah. Ang sasama kasi ng tingin na ipinupukol nila sakin.
"Tignan mo naman yan, ang laki ng salamin tapos mukhang lampa pa" rinig kong sabi nung babae sa unahan na dinaanan ko.
"Siguro scholar yan! yuck." sabi naman ng lalaki sa may gitnang upuan.
Haist! eh ano naman kung scholar? Wala naman sigurong masama don.
Hi, Edward Travino nga pala. Hayaan mo na yang mga kaklase nating masasama ugali. Ganyan talaga mga yan porket mga mayayaman akala mo kung sino na. dugtong nyang sabi sakin.
Ah! Art Del Fuego nga pala hehe. Oo nga, hayaan ko na lang sila.
Del Fuego? Kaanu-ano mo may-ari ng DFC? takang tanong nya sakin.
DFC? Wala, ka-apelyido ko lang sila. tsaka malayong maging kamag-anak ko mga yon. palusot kong sagot..
Sabagay, madami nga palang Del Fuego. So, scholar ka ba ng school or isa ka ding lumelevel sa mga mayayaman dito? tanong ni Edward
Hoy! hindi, oo scholar ako. Okay lang naman kung lalayuan mo din ako kasi scholar lang ako.
Ano ka ba, Art? Wala akong pake kung scholar ka man o kung ano. Bilib nga ko sa mga scholar eh, akalain mong nagagamit nila kakayahan nila para lang mapag-aral sarili nila. paghangang sagot naman ni Edward.
Salamat naman kung ganon. hehe! Eh ikaw ba, kaanu-ano mo may-ari ng Travino Clothing Line?
Hindi naman sa pagmamayabang eh, ako may-ari ng TCL. preskong tugon nito.
Wow! Talaga? Kaya pala ang galing mo magdala ng suot eh. manghang sagot ko naman sa kanya
Sus! nambola pa. Mamaya ipapakilala din kita sa mga kaibigan ko, mababait mga yon tiyak na makakasundo mo din sila...
Talaga?! Sige-sige, excited na kong makilala sila... abot langit ngiti kong sagot.
"Look! Mika, nakikipag-usap sya kay Edward. Mukhang sayang-saya sya sa pakikipag-usap. not our Edward"
"That fag!" Mika
Mukhang may di natutuwa sa pakikipag-usap ko kay edward ah. Bahala sila, eh si Edward naman mismo nakipag-kaibigan sakin.... Sana nga lang kasing bait nya mga kaibigan nya.
.....
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Revenge (boyxboy)
ActionSa pag-asang magbabago ang tingin nila sayo, kinailangan mong baguhin ang sarili mo, pero sa pagbabagong ito dito ka pala paglalaruan ng mga akala mong totoo sa'yo. Hanggang sa dumating sa punto na buhay mo na ang pinaglaruan nila. Paano kaya nila h...