11

9.2K 76 1
                                    

Hindi ako makatulog.

Sino si Isay? Bakit parang napaka halaga niya kay Blast? Nakakapag taka.

Pero bahala na. Mag hihilom din ang sugat ni Blast at determinado akong intayin yon at mananatili ako sa tabo niya hehe.

Think possitive lang siel!!!

Wala naman akong mapapala kung ido dowm ko ang sarili ko eh. Si Blast ang tangi kong pag asa kaya't di ko siya susukuan.

Naniniwala akong siya ang mag sisilbing bahag hari na mag bibigay kulay sa buhay ko kaya't kailangan ko muna pag daanan ang matinding bagyo at hindi dapat ako mawindang.

Maaaring hindi man siya itinadhana sa akin pero kailangan naman diba ipaglaban kung gusto mo talaga?

The universe won't conspire in everything you desire. Life is a battle and a blurry maze.

At siya ang mag sisilbing liwanag sa madilim kong mundo.

"SIEL BUMABA KA RITO!!!"

OH NO!!

"Bakit po in—"

*PAAKKKK!!!

Wow! What a goodmorning ha ha. Sampal ang  nag silbing almusal ko.

Wag kang iiyak siel!! Konting tiis sasaya ka rin, tiwala lang.

Tinignan ko si inay at walang bakas ng reaksyon ang nasa mukha ko.

"Kailan ka pa natutong mag yosi?!" Galit niyang sabi

"Hindi ko ho alam yung sinasabe niyo"

*PAKKKK!!!

Sinampal niya ulit ako.

Ipinakita niya sakin ang isang stick ng marlboro red.

Yung binigay ni blast.

"Eh ano to?!" Sabi niya

"Wala ho yan, akin na po yan" sabi ko at kukunin ko na sana kaso...

"Wala kang kwenta kahit kailan!!!" Sabi niya at nilamukos niya ang yosi at tinapakan.

Umalis na si inay at doon lamang tyumempo ng pagkakataong bumaba ang aking mga luha habang pinupulot ang isang pirasong yosi na galing sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Magiging maayos din ang lahat siel, tiwala lang!

Ngumiti ako at pinulot ang gutay gutay na sigarilyo sa sahig.

Marlboro RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon