Tanasia POV
Pinark ko ang kotse ko at lumabas
(RING!! RING!!)
kinuha ko ang phone ko sa bulsa at napangisi
''oh''sagot ko
''m-miss t-tan nasaan k-kana po???''
''hulaan mo....''pabulong kong sabi sabay patay ng linya
dumeretso ako sa elevetor at nakita ako ng lahat sabay sabay silang nag alisan at lumabas,pinidot ko ang close ng elevetor pero bigla akong may narinig...
''tss,malas dumating pa si santanasia''sabi nito sa katabi nyang humalakhak,sa kasamaang palad ay uminit ang ulo ko at binuksan ulit ang pinto ng elevator,napatigil sa pagtawa ang dalawa at nagulat saakin
''oh?bat kayo tumigil sa pagtawa??''sabi ko at ngumisi,halata sa mukha nilang dalawa ang takot at panginginig hindi nila ako kayang titigan sa mata kahit hindi ko naman sila pinandidilatan
''next time kasi gamitin ang utak''sabi ko sabay pasok sa elevator at hindi ko tinanggal ang paningin ko sa dalawa hanggang sa pagsara ng pinto ng elevator,mga ilang minuto lng ay bumukas na ang pinto
kahanga-hanga ang linis ng paligid walang kalat at sobrang tahimik,lumapit saakin si clarc at kinuha agad ang bag ko
Dumeretso kami sa office ko at tinanggal ko ang scarf ko at sinabit iyon sa upuan,ipinatong ni clarc ang bag ko sa lamesa
"Good Morning ma'am"sabi nito saakin at ngumiti
"ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo na kong tawagin na ma'am sobrang tagal na nating mag kasama clarc kabisado mo na nga ang mga galawan ko"sabi ko dto sabay halukipkip
"para mukha namang special at katakutan ka lalo"sabi nito sabay tawa
"kayong dalawa lng naman ni margo ang sobrang kaclose ko dito at kayo lng ang nakakakita ng ganito kong ugali maliban sa daddy ko na kabisado narin ako"
"kanina may nalalaman kapang 'hulaan mo' ano ako bata?"sabi ni clarc sabay nguso
Kinurot ko sya sa pisnge,napangiwi ito at sabay punas ng pisnge nya
"tama na nga mag trabaho ka na nga special lawyer kapanaman dto tapos ganyan ka kaharot"sabi nito saakin ng aktong lalayo na
"ay ganun pala ah,lika dito"sabi ko dto na medyo nag seryoso na
tumingin ito at nanlumo
"lika dto bilis!"prankang sigaw ko sa kanya,dali dali syang tumakbo papunta sakin
"eto naman hindi mabiro"sabi nito sabay kamot ng ulo
Tinambak ko sa kanya ang mga papeles na tatapusin ko hanggang bukas
"icopy mo to ng tagdadalawa"sabi ko dto
"l-lahat t-to?!"gulat nyang sabi
"ay syempre"sabi ko dto at ngumisi,pinag masdan ko sya na halos manglumo at pakamot kamot sa ulo na binuhat lahat ng papeles
"Nasaan nga pala si margo?"tanong ko ulit sa kanya
"malalate daw sya, dahil late kasi sya nagising at sobrang bagal pa daw ng kapatid nyang maligo kaya ayun sya ngayon napanis na sa sobrang traffic dahil late ng nakaalis"sabi ni clarc sabay sarado ng pinto
Tshh lagi nalang may late...
Pinagmasdan ko ang mga pasimple na pumapasok at nakayuko para hindi ko makita na late sila
Dahil sa hinihintay ko pa ang mga copya ay yumuko muna ako at tinignan ang drawer na nasa ilalim ng lamesa ko
Binuksan ko ito at kinuha ang balisong kong kulay itim,inikot ikot ko to sa kamay ko na animoy may papatayin
"Good morning sorry late ako!"sigaw ni margo sa harapan ko
Sa gulat ko ay namali ang ikot ng balisong sa kamay ko at nasugatan ako sa palad, agad ko itong pinasok sa drawer at tinago ko ang kamay ko
"anak ng!"sigaw ko kay margo dahil lagi nya akong ginugulat pag dumadating sya
Nakapamewang si margo na ngumiti saakin at malapit ng matawa, tinarayan ko ito
"patingin nga!"sabi nito saakin
"wala akong sugat at mag trabaho kana kung hind--"
"eto na eto naa!"sigaw nito sabay alis
"tshh ang babagal mag trabaho"bulong ko at tumayo
Ang kamay kong may sugat ay pinasok ko saaking bulsa at binuksan ko ang pinto
Pinagmasdan ko kung lahat ba ay nagtratrabaho o ung iba ay nag cecellphone lng
Sa kabilang sulok ay may naririnig akong bulungan kaya agad akong pumunta dto
"naka tapos agad ako ng kdrama ng isang araw!"proud na sabi ng isang babae
"yuck ako nga nakakatatlo pa sa isang araw!"sabi nito na tumataray taray pa
Nilusot ko ang ulo ko sa pagitan nilang dalawa
"ahh ganun ba ako nga may papaalisin akong dalawang babae isang araw lng eh..."bulong kong sabi sa kanila
Napalunok silang sabay at mabilis na nagtrabaho na parang walang ng yari
Tumayo ako ng deretso at akmang sisigaw pero biglang may kumalabit saakin
"ma'am okay na po yung pinapagawa nyo"nakangiting sabi ni clarc
"wag munang sigawan nakakaawa naman"bulong saakin ni clarc
"silang dalawa ba ang bago dito!"medyo nilaksan ko ang boses ko para marinig ng dalawang babae na naguusap kanina
Tumango si clarc at yumuko
"mukhang gusto agad mapaalis..."nakakatakot kong sabi
"s-s-sorry po miss t-tanasia"sabi ng isang babae
"this is your first warning at pag nahuli ko ulit kayo ay alam nyo na ang kakalabasan"sabi ko sabay taray sa kanilang dalawa
Hinila na ako ni clarc pabalik sa office ko
"yan na isang damakmak na papeles mo"sabi nito saakin
Umupo ako at nakanginiting kinuha ito, kumunot ang noo ko ng magkaroon ng dugo ang papel
Napatingin ako sa kamay kong may sugat at pinunas ko ito sa panyo
"si margo nanaman ba ang may gawa nyan?"tanong saakin ni clarc at kinuha nya ang bandage sa first aid kit sa drawer nya
Tumango nalang ako bilang sagot at binasa ko lng lahat ng nasa papeles ko, umupo si clarc sa tabi ko at kinuha ang kamay ko
Bakit ganito habang lumalapit ka ay kinakabahan ako at maslalo akong kinakabahan pag tumitingin ka sa mata ko...
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.