12

8.9K 82 3
                                    

Goodmorning!!

Makikita ko na ang aking kasiyahan sa wakas hehe.

Bumangon na ako sa aking higaan at nag simula na akong mag ayos para pumasok.

"Akalain mo yon? Naninigarilyo na siya? Napaka walang kwentang bata! Mana sa ama niya" rinig kong sigaw ng nanay ko.

Imbis na masaktan ako ay pinili ko nalang ngumiti. Yun na yung make up ko for today.

Magiging maayos din ang lahat siel, tiwala lang.

Paalala ko sa sarili at tsaka umalis na papuntang school.

Dumiretso kaagad ako sa likod ng school pero ang weird, wala si blast?

Baka tinopak yon at hindi na pumasok. Intayin ko nalang.

Lumipas ang mga minuto at oras, hangin lang ang sumasalubong. Hindi pumunta si blast dito.

Bakit kaya? Hays mabuti pa bumalik na muna ako sa school.

Nakaka dismaya. Di ko manlang nakita yung taong nag papaligaya saakin.

Nasa loob na ako ng classroom, maingay pero pakiramdam ko ang tahimik.

"Attention class!" Sigaw ng prof namin

Ang wild na classroom ay tumahimik at tinoon nila ang atensyon nila kay prof ngunit tulala pa rin ako at nanlulumo.

"I would like you to expand your prayers para sa yumaong na student dito sa school natin"

Haysss lagi namang may namamatay, last year yung babae.

Nag mistulang mga bubuyog ang aking mga kaklase dahil sila ay nag bulong bulongan.

"Anong pangalan sir?" Tanong ng kaklase ko.

"Blast corpuz"

Marlboro RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon