blast

9.2K 86 6
                                    


Blast's POV

Umaga na.

Maaga ako nagising hindi dahil papasok ako sa school, maaga ako nagising dahil death anniversary ng babaeng pinakamamahal ko, si isay.

Nag ayos na ako at umalis na.

Para akong kaluluwang lumulutang sapagkat isang taon na pala ang nakalipas simula nung mawala ang babaeng mahal ko at hindi ko manlang siya nahagkan bago siya umalis sa mundong ito.

Hindi ko lubos maisip na huling tambay na pala namin yun sa school tapos napagalitan pa ko ng prof ko.

Sana di ko nalang sya iniwan nun.

Lumipas ang mga araw, natutunan kong mag yosi dahil di ko lubos maibsan ang sakit na aking nararamdaman.

Naging yelo ako, hindi ako makausap ng maayos at naging magalitin sa lahat ng bahay.

Hanggang sa isang araw, may isang makulit na babae ang lumapit sa akin. Naaalala ko sakanya ang sarili ko noon.

Pilit ko itong tinataboy sapagkat ang kulit niya.

Napag tanto ko na isa siyang mabuting tao ngunit kagaya rin siya ni isay. Malupit ang mundo sakanya.

Bakit ganun? Kung sino pa ang may mabuting puso siya pa ang pinahihirapan ng mundo?

Masama bang mag karoon ng mabuting puso?

Nalaman kong malupit sakaniya ang mundo noong tinamaan ako ng curiosidad at sinundan ko siya tuwing uuwi.

Nakikita ko kung paano soya maltratuhin ng kaniyang ina pero nakakamangha dahil nagagawa niya pang ngumiti.

Magkatulad kayo isay. Ngunit ang pinag kaiba lang ay mahal kita.

Wala akong nararamdaman para sakanya. Para sa akin isa lang siyang anghel na binigay ni isay.

Masyado ng malalim ang aking iniisip.

*BEEEP BEEEEEPPP!!!

Tumingin ako sa ingay na narinig ko. Tila ba parang bumagal ang galaw ng mundo.

Nasagasaan ako.

Nakahiga ako ngayon at pinag mamasdan ang langit. Bakas sa driver na nakabangga saakin ang takot kaya ginising niya ako pero wala akong marinig.

Pasensya kana isay, kahit sa huling pagkakataon ng buhay ko ay hindi nanaman kita ulit na hagkan kahit na sa sementeryo lang.

Napangiti nalang ako at pumikit na.

Sa wakas, mag kikita na tayo isay.

Marlboro RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon