Tulala.
Tumitingin sa lapida ng taong akala ko mag bibigay kulay ng madilim kong mundo.
Blast corpuz
Nakakatawa isipin, ang tanga ko at naniniwala ako sa mga bagay na pang pelikula lamang.
Ang tanga ko, sobra.
Taksil ang mga luha sa aking mga mata sapagkat tumulo ito ng walang pahintulot.
Nag kamali ako.
Nagkamali ako sa pagiging postibo. Niloloko ko lang ang aking sarili.
Ngumiti na lamang ako habang tumititig sa lapida ni Blast.
Masaya ako para sainyo sapagkat magkasama na kayo sa itaas.
Ito ang tunay na mundo.
Masama at puno ng sakit at pighati. Kung sino pa ang may mabuting kalooban ay sya pa ang nasa masaklap na sitwasyon. Kung sino pa ang sakim ay sya pa ang asensado.
Lahat ng bagay na hindi karapatdapat at mapupunta sa bawat tao.
No more sugarcoated words. This is the reality. I can't keep on fooling myself that there's a light.
Ang buhay ay kadiliman, kailangan mong mangapa sapagkat walang ilaw na gagabay sa iyo patungo sa inaasam mong destinasyon.
Hindi na magiging maayos ang lahat siel, wag kanang umasa.