She felt sad for him and the loneliness was visible on his face. Tulog na tulog si Brielle ngunit bakas sa suplado at gwapong mukha nito ang lungkot na hindi kayang ipaliwanag ng sinumang tititig dito. Gustong magtampo ni Ivana kay Brielle pero ng madatnan nya ang kalagayan nito bumalik sa isipan nya ang sinabi nito sa kanya na dumanas ito ng rare type of mute autism.
Makalipas ang ilang minuto nagpasya syang maligo. Gumaan ang pakiramdam nya ng nagbabad na sya sa maaligamgam na tubig sa loob ng bathtub. Hiyaan nya munang magrelax ang buong katawan sa ilalim ng tubig. Nang matapos maligo, mabilis syang nagbihis at bumaba sa kitchen.
She saw the porridge Harold had prepared earlier for Brielle. Nagluto sya ulit ng dagdag ng pagkain at mabilis na sumubo ng ilang kutsara. Matapos kumain umakyat sya ulit sa master's bedroom bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain. Tulog pa rin si Brielle kaya nagpasya muna sya mag-create ng panibagong jewelry design. She gets her sketch pad and draw a few new designs.
Nag-vibrate ang cellphone nya na nakapatong sa ibabaw ng coffee table. Nakita nyang si Denise ang nag-video call sa messenger nya.
"Hi babe!" bungad nya rito.
"Huh?! Babe anong nangyari sa mukha mo? Ano iyan pasa?" Denise asked.
Lumabas sya ng kwarto at pumunta sa terrace para hindi magising si Brielle.
"Ah, oo babe. Nagkaroon lang ako ng bad encounter last night!" aniya.
"Bad encounter? Anong nangyari? Nasaan si Kuya Brielle?"
"Tulog babe, nilalagnat eh dahil sa sobrang pagod at puyat. Nag-dinner kami ni Brielle kagabi kaya lang nagkasalubong kami ni Simon sa washroom. Brielle thought I have an intimate relationship with him. Nagpang-abot silang dalawa at nagbatuhan ng maanghang na salita sa isa't-isa. Sa sobrang galit ni Brielle, iniwan ako sa gitna ng kalsada. Nadaanan ako ng mga grupo ng kalalakihan at balak akong hilahin pero may tumulong sa akin," she partially tells the truth but she didn't mention to Denise that Brielle had slapped her.
"Oh! So tragic experienced. Naiinis ako kay Kuya Brielle, bakit ka nya iniwan sa gitna ng kalsada? Hindi tama ang ginawa nya, gabing-gabi na iniwanan ka? Sira-ulo talaga iyon ah!" bulalas nito at hindi itinago ang inis na nararamdaman para kay Brielle.
"Babe, it's okay. Alam mo namang matagal na silang may alitan ni Simon!" aniya.
"Kahit pa, kung anuman ang differences nilang dalawa sana hindi ka nya dinamay. Nagselos tiyak si Kuya Brielle, may pagka-possessive iyan kaya ikaw ang napagbuntunan ng kapraningan nya. Sa susunod na gagawin pa nya sayo iyan, isusumbong ko kay Daddy Brent. Sira-ulo lang diba?" anito.
"Babe, don't mention anything to your parents. Ayokong pangunahan si Brielle. Saka alam mo namang masama ang loob sa akin ng Mommy nyo," pakiusap nya.
"Hmph! Naiinis ako babe, manang-mana talaga kay Mommy ang ugali nyan. Inconsiderate masyado at hindi nya inisip na babae ka, iniwan ka sa gitna ng kalsada. Babe, hindi ko sya pwedeng kampihan kahit magkapatid kami, unfair ang ginawa nya sayo,"
"Hush! Baka magising na ang Kuya mo at marinig ka! Hindi nya alam ang sekreto natin," sita nya rito.
"Anong paki ko kung magising sya. Aawayin ko pa iyan. Sa susunod na gagawin nya ulit sayo ang ganyan sabihin mo kaagad sa akin. Kapag di ka na nakatiis sa ugali nyan, iwanan mo babe. Bumalik ka nalang sa Europe, tutulungan kitang makahanap ng trabaho doon. Maraming apartment doon na pwede mong tirhan," suhestiyon nito.
"Babe, I married your brother and I promised him to be a good wife,"
"Ah basta, sira ulo sya. Huwag ka nyang ganyanin ulit pupuntahan ko talaga sa Beijing iyan," banta nito.
YOU ARE READING
LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESS
RomanceIvana Huo, a sole descendant of a big conglomerate which rises in the city of Beijing. Her family business cost billions of dollars and she lived a comfortable life since childhood. Her Filipina mother had a big influence on her life but at a young...