TBR #3

3 1 0
                                    

"Third Person's POV"


Vin tignan mo yung paparating, mukhang nagbago na taste ni Edward ah. Nerd at lambutin na pala gusto nya hahaha. Pagtawag ni Carla kay Vin


Napalingon din naman si Vin sa kung saan nakatingin si Carla. Kita nya din ang papalapit na si Edward kasama si Art.


Guys! Kumusta first day nyo? Wala pa din bang pinagawa mga teacher nyo? bungad na tanong ni Edward sa mga kaibigan nya na sabay-sabay din umiling bilang sagot sa tanong nito.


Sabay-sabay silang tumingin sa nakayukong si Art na nahihiya dahil sa mga kaharap nya.


Oo nga pala guys, sya nga pala si Art kaklase ko. Isa sya sa scholar dito sa school natin. pagpapakilala ni Edward sa kanila.


Scholar? kailan ka pa nakipagkaibigan sa mga scholar Edward? takang tanong ni Carla


Ngayon lang Carla, bakit may problema ba doon? pagsagot naman ni Edward


Wala naman, nakakapagtaka lang. Mmm! Btw, I'm Carla nice meeting you Art.


Nice meeting you din po. nahihiyang sagot naman ni Art.


Art, ito nga pala si Vin medyo tahimik lang 'to pero mabait yan. Tapos sya naman si Alexis, mabait din yan pero suplada lang minsan. Tapos may isa pa kaming kaibigan si "Jared Johnson" pero papangunahan na kita, hindi mabait yon tapos laging galit kaya iwasan mo na lang. mahabang litanya ni Edward.


Huy! Edward, lagot ka don kay Jared kapag nalaman nyang ganyan sinasabi mo tungkol sa kanya. pagbabanta naman ni Vin kay Edward


Bakit hindi ba Vin? balik naman nyang sagot kay Vin.


Ewan! hmm


"Art's POV"


Art, okay ka lang? Ang tahimik mo dyan. pagpansin ni Edward sakin


Ahh oo ayos lang ako. Nahihiya lang ako sa mga kaibigan mo kasi parang napipilitan lang silang pansinin ako kasi kilala mo ko.


Ano ka ba Art, hindi sa ganon. Tsaka sa una lang yan siguro kinikilala ka pa nila. Sa susunod na araw naman siguro magiging palagay na din loob nila sayo, kaya huwag kang mag-isip ng kung ano d'yan. pagsuyo naman nya.


Sana nga. Excuse lang ha? Mag-cr lang ako. paalam ko kay Edward


Ngayon nga ay naglalakad ako dito sa hallway patungo sa CR ng school ng may pumasok bigla sa isip ko. Bakit nga kaya natanong ni Carla kay Edward yon. Ako pa lang ba ang scholar na kinaibigan ni Edward? 


Sa pag-iisip ko di ko namalayan na bumunggo na pala ako sa taong kasalubong ko.


"Shit!" rinig kong sabi nung nabunggo ko.


"Hala! Sya pa talaga ang binunggo nya ah. Lagot na yang nerd na yan" rinig ko din sa mga taong nakatingin sa amin.


Sorry po! Di ko po sinasadya na mabunggo kayo. nakayuko kong sabi sa kaharap ko.


Sa susunod kikilalanin mo yung binubunggo mo ha?! Alis! galit nyang tulak sakin sabay lakad papalayo.


Napatingin na lang ako sa likuran ng taong nabunggo ko. Humingi na nga ako ng paumansin sa di sadyang pagbangga sa kanya galit na galit pa din sya.


"You're dead Nerdy! Si Jared pa talaga binunggo mo ha!"


"Kung ako sayo nerdy, lilipat na ko ng school"


Nakataas kilay na sabi sakin ng mga babae sa harap ko.


Hindi kaya sya yung sinasabi ni Edward? S'ya kaya si Jared Johnson?


Halaaaaaa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Revenge (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon