I'm Kira Zavania. Meron akong childhood friend, as in simula ipinanganak kami, sobrang close na namin. Nun bata palang kami crush ko na talaga sya eh. Tuwing may mang aaway sakin, ipagtatanggol nya ako, hanggang ngayon pa rin naman eh. We're now 18 years old.

Akala ng iba tomboy ako. Ang pang lalaki ko daw kasi manamit. Eh anong problema sa tshirt at pants? Tas ano naman kung basketball sports ko? Diba?

Sya si Lucas Lemicio. Ang tangkad, maginoo, marunong rumespeto at higit sa lahat, mapagmahal.

Lagi kami naglalaro ng basketball tsaka ps4. Ayun talaga bonding namin tsaka foodtrip at magkasakitan. Nagsama ba naman kaming dalawang magaspang pareho eh.

Anyways meron akong ate, si Ate Andrea. Ahead sya samin ng 2yrs. Bali 20 na sya. Nun mga bata pa kami kami ang magkakasama maglaro. Kaming tatlo. Pero nun lumaki kami, kami nalang ni Caca ko.

Caca ang nickname ko kay Lucas at Zav ang nickname nya sakin.

Andito ako ngayon sa labas ng bahay maglalaro kami nun inaantay ko lang. Sa kabilang street lang naman sila eh. Nakapag laro na ako.

"Huy!!"

"ay kabayong pilay!!" napatalon ako sa kinauupuan ko biglang may gumulat sakin.

Lumingon ako at si Caca lang pala.

Etong lalaking to lagot sakin to. Babawian kita tignan mo antayin mo lang... Sabi sabi ko sa isip ko

'ano na ang tagal mo walanya ka naman kanina pa ko andito eh" reklamo ko sakanya at sabay kurot sa tyan nya.

"aray naman eh!!" pasigaw na sabi nya at hinimas ang tyan nya. Gustong gusto ko talaga na iniis to eh hahaha.

"nag ready pa kasi ako" pahabol nya at sabay smirk. Yun smirk na pang gwapo pa. Takte,, Lord ang gwapo nya lalo jusko.

"lalaro lang kailangan ready na ready pa?" sabi ko sakanya at binato ko ang bola na hawak ko sakanya.

"syempre andun yun crush ko eh" sabi nya at kumindat sakin. Ano ba to, bakit ba ganito to. Lalo akong nahuhulog eh.

Wait, may crush sya? Eh? Talaga? Bat bigla ako nawala sa mood.

Sino kaya yun? Maganda kaya sya? Mabait kaya?

"huy ano selos ka no? '' sabi nya at bigla nya ako inakbayan. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

" ha? Ako selos? Excuse me" syempre tamang deny tayo. Baka masira lang pagkakaibigan namin kapag umamin ako.

"excuse me nyenye" pag gaya nya sakin tas pabebe.

"tara na nag aantay na sila Kurt dun" pag yaya ko sakanila.

Naandun iba namin kaibigan si Kurt, Angelo, at Isiah.

Kami lima ang magkakaibigan pero kami dalawa ni Caca ang magka close talaga ng sobra.

Pumunta na kami sa court, dito lang din sa loob ng village.

Si Angelo at Caca ang magka Street. Samantalang kami nila Kurt at Isiah ang magkakapit bahay.

Pagka dating namin sa court naandun na sila, nag shoshoting na.

Tumigil sila sa pag shoot nun nakita nila kami.

"oy bat ang tagal nyo ha?! " pasigaw na tanong nito ni Kurt.

"kayo ah, meron kayo hindi sinasabi samin yieeee kayo na no?" pang aasar ni Isiah samin.

"sira ka talaga Isiah" sabi ko

"porket nakaakbay na ko kami na agad sis?" sabi ni Caca sakanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Childhood LoveWhere stories live. Discover now