"... mend yourself until you're brave enough to move on and let go of the past."
Hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Mrs. Mesa. Damn, bakit ba napakahirap sa aking magmove-on? Pero kahit papaano, nagpapasalamat ako kay Mrs. Mesa dahil matapos noon ay kumain kami at ipinagdiwang ang kaarawan ko.
Hindi ko naman talaga ito totoong kaarawan at wala ring nakakaalam kasi nga nakita lang nila ako sa doorstep ng bahay na ito. Wala rin akong balak na hanapin pa ang totoo kong pamilya. Itinapon na nga nila ako at pinabayaan, ba't ko nga ba sila hahanapin?
Atsaka, nahanap ko rin ang kahulugan ng pamilya sa bayan na ito. Ang dalawang kumupkop sa akin at ang mga Mesa. Ni hindi ko napansin na may bitbit silang paborito kong putahe, adobong manok, noong pumunta sila rito.
Kinuha ko naman mula sa bulsa ko ang dalawang accessories na binigay ni Mrs. Mesa sa akin. Isang kwintas na kulay pilak na ang disenyo sa gitna ay pinagsama ang kalahating araw na kulay ginto at kalahating buwan na kulay pilak, gayundin ang disenyo ng anklet na kasamang ibinigay ni Mrs. Mesa.
"Nag-abala pa kayo, Mrs. Mesa," wika ko, "salamat po."
Ngumiti naman si Mrs. Mesa. "Nako, hindi ka na bago sa amin, Alain. Pamilya ka na rin," aniya.
May kinuha naman siya sa bulsa ng kaniyang apron at ibinigay sa akin. Isang mamahaling kwintas at anklet. Nanlaki ang mga mata ko at akmang isasauli ko na sa kaniya ito nang magsalita siya.
"Nako, hindi na po talaga ito kailangan, Mrs. Mesa, ang mahal nito," sabi ko habang sinusubukang isauli ito sa kaniya.
Inilahad ko ang palad ko para kunin niya ang mga ito. Isinara niya naman ang palad ko atsaka umiling.
"Sa'yo talaga 'yan, Alain. Ipinapabigay 'yan nina Lolo Franco at Lola Isa. Ang sabi nila, nakita nila 'yang suot mo noong makita ka nila. Although they hoped na sila mismo ang makapagbibigay sa'yo niyan, alam nilang hindi na nila aabutan ang araw na ito," paliwanag ni Mrs. Mesa
Pinagmasdan ko ang dalawang ito. Kung tutuusin, susi ito upang mahanap ko ang totoo kong pamilya. Ito lang ang iniwan nila sa akin. Tss. Okay, why do I care? They didn't even care about me.
Ibinalik ko ulit iyon sa bulsa at unti-unti, nakakaramdam ako ng antok. Hanggang sa may naramdaman akong kakaiba. Napabalikwas ako at bumangon. Iba ang sinasabi ng mga anino, nagbabadyang panganib.
Ito ang extrasensory ability ko. I can create and control darkness, antimatter and the shadows. At ngayon, iba ang sinasabi ng kadiliman. Agad akong nakarinig ng pagsabog.
Sinundan ito ng mga sigaw ng mga tao at ang pagtunog ng kampana ng simabahan. Greyscales. Umaatake na naman ang mga Greyscales. Napakapamilyar ng pangyayaring ito. Ganitong-ganito rin ang nangyari nine years ago. Laganap na ang balita tungkol sa isang organisasyong nagre-raid ng village at kinikidnap ang mga x-citizens para nakawin ang extrasensory ability ng mga ito. And they're here again.
Napatakbo agad ako sa bahay ng mga Mesa at nakita kong nasusunog ang bahay nila.
"Mrs. Mesa!"
Lumabas sa nasusunog nilang bahay si Mrs. Mesa kasama si Selene. Nabalot naman ako ng takot nang makita kong hindi niya kasama si Shyn. Napaluhod si Mrs. Mesa at nakita kong naluluha siya.
"Si Shyn... si Shyn..."
Alam ko na ang ibig sabihin ng mga katagang iyon. Hindi naman ako napigilan ni Mrs. Mesa sa balak kong gawin. Agad kong pinasok ang natutupok na bahay ng mga Mesa.
"Shyn!"
Sigaw ko at nagtungo ako sa kwarto nila. Nahuhulog na ang kisame ng bahay na ito. Kailangan ko nang magmadali. Mainit na ang doorknob kung kaya't sinipa ko para mabuksan ang pinto.
Masyado nang mausok at nagluluha na ang mga mata ko. Itinaas ko ang kwelyo ng suot ko sa may ilong. Naaninag ko naman ang batang nasa kama habang pinapaligiran ng dagat na apoy.
"Ku... ya... A... lain..." tawag nito sa akin. Bumalik naman ang rumaragasang alaala ko noong siyam na taong gulang ako. Noong sinubukan kong magligtas ng buhay ng iba.
Hindi. I won't fail this time. Not again. Not anymore. With all the strength I could muster, tinawag ko ang kambal kong anino.
"Azrael!"
Lumitaw naman si Azrael sa harap ko. Parte siya ng extrasensory ability ko. Dahil nakokontrol ko ang kadiliman, it also brought life to Azrael. Siya ang katauhan ng extrasensory ability ko.
"Kailangan ko ang tulong mo. Please back me up." Tumango naman si Azrael at agad kong pinuntahan si Shyn.
Wala nang malay si Shyn at agad ko siyang kinuha. Ilang sandali pa at tuluyan nang cocollapse ang bahay na ito. Tumakbo ako palabas. Hindi ko namalayan ang nasusunog na kahoy na nahuhulog sa taas.
Nang nakita ko iyon ay agad kong pinrotektahan si Shyn at isinangga ang likod ko — nag-aabang sa kamatayan. Pero walang nahulog sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Azrael ang sumangga nito.
Tumango ito sa akin at tinakbo ko na hanggang sa makalabas kami. Nakita ko si Mrs. Mesa na nag-aabang at si Selene na natutulog sa bisig niya.
Naramdaman ko ang hapdi sa buong katawan. Hindi pala ako nakatakas sa pagdila ng apoy. Agad naman siyang lumapit sa aming dalawa.
"Salamat at ligtas kayong dalawa," wika niya habang hinalikan ang noo naming dalawa. Naging alerto naman ako nang may naramdaman akong presensiya. Napansin naman ni Mrs. Mesa ang pagbabago sa mukha ko at naging alerto rin siya.
"Heh, what do we have here? A family of weaklings," rinig naming sabi ng isang babaeng suot ang itim na suit. Kapansin-pansin ang emblem sa kaliwang bahagi ng suot niya, ulo ng isang nanlilisik na lobo habang ang daigdig ay nasa loob ng bunganga nito. Isang Greyscale.
"Yep, and potential extrasensory abilities. They are delicious," wika ng kasama nitong lalakeng nanlilisik ang mata habang nakangiti na parang isang asong ulol.
We can't outrun them. From the looks of it, malalakas sila. Inabot ko kay Mrs. Mesa si Shyn.
"Run. Take them out of here," asik ko sa kaniya.
"P-pero Alain..." pigil niya sa akin. Kitang-kita sa mata niya na ayaw niya akong iwan dito. I softly smiled.
"Ito lang ang tanging paraan, Mrs. Mesa. Susunod ako," paliwanag ko sa kaniya. Tuluyang tumulo ang mga luha sa mata niya. "Now, go."
"Oh please," pangungutya ng isang Greyscale.
She mouthed, thank you, before she left. Akmang susundan siya ng isa sa mga Greyscale nang biglang may puwersang pumigil sa kaniya. Tumilapon siya sa direksyon ng isa niyang kasama. Bigla namang bumalik ang anino ko.
"Azrael, let's give them time."
BINABASA MO ANG
Extrasensory
FantasiAlain Eclipse never wanted to be a part of that world. Hell, he doesn't even want to be a part of the games. But what if the world he tries hardest to avoid, is the same world he was born into? And what if joining the games will reveal his true hist...