My Peter Pan <3(One Shot)

21 0 0
                                    

My Peter Pan(One Shot)

//

Yuri's POV

"Babe, I'm sorry, tapusin na natin to." pakiramdam ko ay sasabog ung puso ko sa mga salitang binitawan ko.

"You don't love me anymore?" He said.

"Please, Kei. Let's stop this."

"Wala kang kwenta, Yuri." Gusto kong umiyak sa mga sinabi niyang iyon pero pinigilan ko.

Inalis ko ung ring sa daliri ko, at nilagay sa palad niya.

"Y-Yuri"

"Goodbye Kei" di ko na napigilan, umalis nako at umiyak na.

I love you Kei, I'm sorry.

--

1 month later.

Kei's POV

*Ring

Pinatay ko ung alarm clock ko, kinapa ko ung phone ko sa sidetable ko, nag-aassume na baka nagtext siya pero wala.

1 month na kaming break pero mahal ko parin siya. I love her, more than my life and I won't stop loving her.

Pumunta na ko sa dining room at nagprepare ng makakain. Tinignan ko ung calendar, 3 weeks nalang christmas na. Ang boring.

--

Yuri's POV

"Ate! Gising na! Simula nung nagbreak kayo ni Kuya Kei, lagi ka nalang nakakulong sa kwarto!"

Nagising ako sa boses ni Yuna. Ang bata pa, bungangera na.

"Ate! Ano ba!" sigaw nya.

"Sige, lalabas nako." I said at bumangon na. Tinignan ko ung phone ko, puro GM.

"Breakfast na, my dear" Narinig kong sabi ni mama.

"3 weeks before christmas, uuwi ba si papa?" I said.

"Oo daw. Kumpleto tayo" Nakangiti niyang sinabi.

"Hindi. Hindi tayo kumpleto" sabi ko sa isip ko. Mag-isa lang sa bahay si Kei. Panu siya magcecelebrate?

"Ba't parang malungkot ka?" napatingin ako kay mama.

"H-Hindi p-"

"Don't lie. Alam kong may problema ka... Miss mo na siya no?" tumingin ako kay mama.

"Y-Yes."

"Ganun talaga eh."

I miss Kei.

--

Yuri's POV

"Ano pa bang kulang para sa graham?" Sabi ni mama. Nandito kami ngaun sa mall. Nagrogrocery.

"Ma, magcCr lang po ako" tumango si mama at umalis nako.

While walking, may nabunggo ako.

"I'm sorry Miss"

--

Kei's POV

Nandito ako ngayon sa mall nang may makabangga ako.

"I'm sorry miss" tumingin ako sakanya.

"Y-Yuri?"

Ang awkward ng situation, pero sa totoo lang, gusto kong yakapin si Yuri.

"O-okay lang"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Grocery. Pang christmas. Ah. Sige. Alis nako." sabi niya.

Wag muna please.

"Sige." sabi ko.

Di nako makatiis, babalikan kita Yuri.

--

Yuri's POV

Nandito ako sa kwarto ngayon, binabalikan ung mga memories, tinitignan ung mga pictures namin ni Kei, at binabasa ung mga loveletters niya.

By the way, Christmas na bukas. Ang bilis ng araw, si Papa nandito na. Dito siya magcecelebrate.

To: My Angel

    Hello baby. 1 year na tayo bukas. Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita. Tatagan pa natin, hindi man tayo kasing sweet nung lovestory nila Snow White, Cinderella, Jasmine, wala akong pake. Wala ng makakatalo sa pagmamahalan natin. I love you baby. See you tomorrow.

                         From,

                             Your Prince, Kei.

Umiyak ako pagkabasa ko nung letter nato. 1 day bago ung anniversary namin to, tapos nung anniversary niya ko binigyan ng ring. Namimiss ko na yun.

~You and I are better than Aladin and Jasmine, we've made it happen~

Narinig kong tumunog ung phone ko, may tumatawag.

Calling..

Mister <3

Feeling ko nagliwanag ung paligid ko, namiss ko rin tong tawag niya.

Sinagot ko ung tawag.

("Yuri")

"Kei? Ba't tumawag ka?"

("Tapusin na natin lahat bukas. Di ko na kaya")

Hindi ko alam, pero parang sumakit ung dibdib ko. Tapusin? Ang assuming ko. Pero kasalanan ko to, ako ang nakipag break eh.

("Magkita tayo bukas sa park, ung paborito nating lugar")

"S-Sige."

("Bukas ah? 12pm. Good night and Merry Christmas")

"O-okay"

He ended the call and I cried. Ang tanga ko. Ngayon wala na talagang chance.

--

December 25, 20**

Nandito nako sa park pero wala parin si Kei.

Nagintay pa ulit ako ng ilang oras pero wala siya. Nakalimutan nya na siguro. Tumayo nako pero..

"My Angel"

Napatingin ako sa likod ko.

"K-Kei?" Nakatingin siya sakin ng nakangiti. Lumapit siya sakin at lumuhod.

"Kei"

Binigyan niya ko ng rose, inabot ko ito. Pagkakuha ko nito, may ring.

.

Yung ring namin. Bigla nalang akong umiyak.

"I love you my angel. Magsimula tayo ng bago. Hindi na kita iiwan ulet, please, hindi ko kayang wala ka. Ang boring ng buhay ko pag wala ka. Lagi kong iniisip kung ayos ka lang ba, kung kumain ka naba. Mahal na mahal kita, please. Give me another chance. Namimiss ko na ung mga oras na kasama kita, yung minemake upan moko pag tulog ako, ung matamis mong ngiti na bumubuo ng araw ko, lahat-lahat ng pinagsamahan natin. Please, ulitin natin lahat ng yon. Feeling ko mamamatay ako nung nagbreak tayo, pero pinipigilan ko ung emosyon ko dahil may misyon ako sa mundong to, yun ay dalin ka sa altar para pakasalan at pasayahin itong buhay mo. I love you Yuri."

Pinunasan ko ung luha ko, naiyak ako sa mga sinabi niya.

"Tumayo ka muna." sabi ko at tumayo siya.

"Oo. Kei. Mahal na mahal din kita, ang tanga ko at binreak kita, pero ung nararamdaman mo, ganun din sakin. Gusto narin kitang balikan. Magsimula tayo ng bago, I love you Kei, My Peter Pan. " Ngumiti siya. Isinuot niya ung ring sa daliri ko at niyakap niya ko.

"I love you my Peter Pan" sabi ko.

"I love you too My Wendy, My Cinderella, My Angel, My Life."

This is the best Christmas ever, and This is a new start. <3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Peter Pan &lt;3(One Shot)Where stories live. Discover now