A/N: Maraming salamat po kay @GeniusMonkey dahil sa pagpapahiram ng kanyang kwento para sa project na ginagawa ko. This is just a mere collection of short stories.
“Hika”
By GeniusMonkey
Alam nyo ba ‘yong pakiramdam na ang hirap-hirap huminga? Hikain rin kasi sina Mama at Papa at pati na rin ang dalawa kong nakakabatang kapatid. Madalas akong nagkakasipon kapag ganitong tag-lamig at kasabay pa nito ang pamumulaklak ng mga tanim na mangga ni Mang Estong.
Si Mang Estong ang masipag naming kapitbahay kaya nakakahiyang sabihin sa kanya na nagkakasakit kami kapag namumulaklak ang kanyang mga mangga sa likod ng kanilang bahay. Mabait rin naman si Mang Estong at palagi niya kaming binibigyan ng mangga kapag naghaharvest na siya. Pero talagang hindi ako nakakahinga ng maayos lalo na kapag gumigising ako ng maaga para pumunta sa school.
“Ma, Pa… Alis na po ako,” sabi ko nang matapos na ang morning routine ko.
“Ang inhaler mo?” sabi naman ni Mama. Hindi kasi napapalagay si Mama kapag naiiwan ko sa bahay ang inhaler dahil nga noong isang buwan ay dinala ako sa ospital dahil nag-exercise kami sa school at wala akong inhaler na dala.
“Nandito na po sa bag ko,” sagot ko naman sa kanya. Ito na lang ang sinasabi ko pero sa totoo lang ay hindi ko na maalala kung saan ko ‘yon nilagay. Baka kasi ma-late na naman ako kapag hinanap ko pa ang inhaler ko.
Maaga akong nakarating sa school pero mas maaga pang dumating ang bestfriend kong si Elmo. Naka-upo siya sa isang bench na may hawak na tsokolate… hmmm… favorite ko pa naman ‘yon! Kaya agad ko siyang nilapitan. Si Elmo kasi ang nag-iisang anak ni Mang Estong kaya medyo malapit kami. Siya rin kasi ang naging una kong kaibigan dito sa bagong school na nilipatan ko. Lagi rin niya akong pinagtatanggol kapag may nang-aaway sa akin kaya siya na ang bestfriend ko.
“Hoy!” panggugulat ko sa kanya. “Akin ba ‘yan?”
Ngumiti lang siya sa akin. Alam nyo rin ba ‘yong pakiramdam na nahihirapan kang huminga dahil sa isang tao? Crush ko kasi si Elmo dahil mabait siya at maaalalahanin pa. Secret lang natin ‘yon ha! Meron na kasi siyang ibang crush kaya heto… sinusuportahan ko nalang siya…
“Hindi…” mahinahon niyang sabi sa akin. “Talagang magtatapat na ako sa kanya ngayon.”
“Talaga?”
Ouch! Ang sakit pala pero pinilit ko nalang na tumawa sabay agaw sa kanya ng chocolate.
“Ito lang ang ibibigay mo sa kanya?” sabi ko. “Wala ka bang rosas man lang? Dapat isayaw mo siya sa park at dapat merong mga lights… dapat rin may romantic dinner at candle light. Yon bang tipong hindi siya makakahinga dahil sa mga surpresa mo.”
Ngumiti siya sa akin. “Kailangan pa ba ‘yon?”
“Syempre naman! Hmmm… basta magpakatotoo ka lang at sabihin mo ang ‘yong nararamdaman. Pero alam mo best sigurado naman akong sasagutin ka agad kahit sinong ligawan mo.”