Ang Pagdadalaga ni Lala

186 3 0
                                    

#Lala <3

Sa loob ng aking silid-aralan, maraming maiingay, nagkwekwentuhan at nagkokopyahan ng assignments para sa susunod na subject. Mula sa kawalan ay nilapitan ako ng aking bestfriend na problemado.

"Lala, may napkin ka ba?", kumunot ang noo ko sa tanong sakin ni Andy.

'N-napkin?'

"Ano yun? Pagkain?", nagtatakang tanong ko sa kanya. Meron ba nun?

"Luka-luka. Ano nga! Dali. Meron ata ako ngayon, eh. Shemmss. The feels." parang hindi mapakaling tanong nya. Lalo ko naman syang hindi naintindihan.

'Meron naman pala sya, eh! Bakit nagtatanong pa sya kung meron akong napkin?'

"Ano ba sinasabi mo? Meron ka naman pala, eh. Bakit tinatanong mo pa kung meron ako?"

"Ang slow mo naman! Ano ba, may extra ka pa ba jan?",

"Extra'ng ano ba? Napkin? Ano ba yun?", naguguluhan ko na talagang tanong.

"Shhhh... hinaan mo naman yung boses mo. Nakakahiya. Hindi mo ba alam yun? Ginagamit yun pag may menstruation tayo. AY! Meron ata talaga ako! Samahan mo na nga lang ako bumili sa faculty. Pag talaga ako tinagusan, sisisihin kita!", mahinang sabi nya at saka ako hinila ng mabilis papuntang faculty. Pagkarating namin sa faculty ay agad syang sumilip sa loob ng pinto. Pero hindi pa nakalilipas ang ilang segundo ay humarap na ulit sya sakin ng problemado ang muka.

"Malas. Malas. Malas! Si Sir Ocampo yung nagtitinda ngayon! Shemms. Nakakahiyang bumili ng napkin.", wala sa sariling naiusal nya.

"Si Sir Ocampo? Yung gwapong teacher na crush mo? Bakit ka naman mahihiya?", sinamaan nya ako ng tingin ng may namamawis na mukha.

"Syempre awkward yun! Ikaw kayang bumili ng napkin sa crush mo?", mataray na salita nya sakin. Maya maya'y bumalik sa pagkataranta ang muka nya.

"Hala. Hala. Hala! Nararamdaman ko na talaga sya! Bakit ba ang aga nito ngayon? Sa isang araw pa dapat to, eh!", hindi ko talaga sya maintindihan. Ano bang sinasabi nya?

"Ang arte mo! Para bibili lang ng napkin! Ako na nga!", mabilis akong pumasok sa faculty at saka nilapitan si Sir Ocampo para bumili ng napkin daw. Nagulat ako nung makita ko dun si Gerry, isa sa mga varsity namin. Cute sya, pero sadyang walang dating sakin. Ewan ko ba dito. Ang daming nagkaka-crush sa kanya kahit laging nakabusangot ang muka parang si Squidward. Napatingin silang dalawa sa akin.

"Oh? Bakit ka nakatingin sakin? Problema mo?", mataray na tanong ko kay Gerry. Hindi nya ko sinagot dahil umiwas lang sya ng tingin sakin.

"Oh? Bakit ang sungit mo ata ngayon, Lala? Meron kaba?", pabirong tanong sakin ni Sir.

"Huh? Merong ano po?", ano bang meron sa 'meron'? Bakit kanina ko pa ata naririnig?

"Haha. Wala, nevermind nalang. Ano bang bibilhin m--",

"Napkin po, Sir.", tuloy-tuloy na sagot ko sa kanya. Antagal kasi, eh.

"Pffft. *ehem.", narinig kong tahimik na pinipigilan ni Gerry yung tawa nya. Aba! Himala ata. Ngumiti sya, and worst, matatawa pa ata. Wait--yung ngiti nya, ang cu--

"Pfftt--hahaha.", hala? Pati si Sir?

"Bakit po?", nagtatakang tanong ko. Tinignan ko silang pareho.

"Hahaha...W-wala lang. Pfft. Haha... sandali lang. Hihinga muna ko.", wala sa sariling napatango ako.

Ka-vibes namin lagi yang si Sir. Hindi naman kasi nalalayo yung mga edad namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puberty (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon