Chapter III (Muling pagtatagpo)

181K 2.8K 86
                                    

Chapter III

Caloy's POV

Hindi ako halos nakatulog buong magdamag sa pag iisip sa kanya. After seven years magkakaharap ulit kami. I wonder kung ano ang magiging reaksyon nito.

Bumaba ako sa kusina para makapag prepare ng breakfast. Kailangan ko na rin makahanap ng kasambahay sa lalong madaling panahon.
Eksaktong alas dyes nang makatanggap ako ng tawag mula kay Anton na nasa labas na ito at naghihintay sa sasakyan nito.

Naabutan ko itong naka sandal sa Land Rover nito. Napa taas ang kilay ko ng mapansin ang pagka over dressed nito. Naka porma ito na mukang may lilitisin.
He's a lawyer. Bulong ng kabilang panig ng utak ko.
I know, but we are just meeting a nobody kaya hindi nya kailangan pumorma. Unless gusto nya magpa impress kay Inday?

"Morning Mr Miranda." Lawyer mode ang loko ngayon.
Tinanggal nito ang aviator nitong suot at kumikinang ang mga matang ngumiti. Bagong shave din ang gago at amoy na amoy ko ang pabango nito.

"Anton." Tumango ako dito at sumakay sa passenger seat. Biglang umasim ang mood ko. Ganito ba ito lagi tuwing pupunta sa bahay ni Inday?
"Don't you think na overdressed ka sa pupuntahan natin? Ikaw ang mukang may ari ng hacienda sa porma mo ah." Hindi ako naka tiis punahin ito pagka pasok nito sa sasakyan. Napatingin ako sa suot ko. I'm only wearing a faded tight Levi's 501 and a fitted white shirt with my leather brown cowboy boots. Mukhang haragan din ako dahil hindi na ako nag abalang mag shave kanina sa shower kaya medyo may bakas ng tumutubong balbas at bigote. I don't care kung anong hitsura ko. I'm not going to impress her after all.
Narinig kong tumawa ng mahina ang katabi ko.
"Dude, syempre kailangan laging kagalang galang at mukhang laging fresh pag haharap kay miss hot stuff. I told you diba crush ko si miss Bernales."

I silently growled sa sinabi nito.
Gusto kong isigaw sa pagmumuka nya na hindi pwede. Marami akong plano kay Inday at ayokong masira ang mga planong iyon kung magkaka gusto ito dito. Kaibigan ko si Anton at maari rin itong masaktan ng ambisyosang babae.

"Hindi naman sa nakikialam ako Anton, pero hangga't maari ayokong haluan mo ng romansa ang pagta trabaho mo. Binabayaran kita para kausapin yan mga kagaya ni miss Bernales para umalis sa lupang nasasakupan ko hindi ang manligaw at magpa cute."
Humalakhak ito na lalong ipinag init ng ulo ko.
"Kung hindi lang kita kilala Bernard iisipin kong matagal na kayong magkakilala ni Belinda. Parang ang bitter mo magsalita dude."
Bitter? The hell I care! Hindi ako agad nakaimik sa sinabi nito.
"I know the woman Anton. I lived here for 18 years." Natahimik ito at hindi na nagsalita. Ibinaling ko na rin ang paningin sa bintana ng sasakyan. Tanaw ko ang buong kalupaan na wala pa rin ipinagbago loob ng pitong taon.

Dumako ang paningin ko sa may bandang ilog. Ang ilog na saksi ng aming kamusmusan. Maraming alala kasama ang aking mga kababata sila Allan, Rod,Gudo at sya.
Malimit kaming tumambay sa ilog para mag plano kung paano gagalitin si aling Nena dati. Kahit si Allan na pamangkin ni aling Nena ay kasa kasama namin tuwing binabato namin ng bato ang bubungan ng kubo ng masungit na matandang dalaga.

"We're here." Naputol ang aking pagbabalik tanaw nang itigil nito mismo sa harap ng kubo nila Inday ang sasakyan.
Nauna itong bumaba ng sasakyan para kausapin si Inday. I frown. Bakit ba napaka pa IMPORTANTE nya? Kung tutuusin pwedeng pwede silang palayasin dito kung gugustuhin ko pero bakit nandito ako at nag aaksya ng oras para lang pagbigyan ang huling nitong makausap ang may ari ng lupa. Kumulo ang dugo ko at ang kabang nararamdaman ko kanina pa ay napalitan ng matinding pagpupuyos ng dibdib.

Nakaraan ang ilang saglit nang makarinig ako ng mahinang katok sa bintana ng passengers seat.
Huminga ako ng malalim bago umibis ng sasakyan.
Tiningnan ko ang kabuuan ng kubo. Hindi pa rin pala nagbabago ang bahay nila. Hindi maitatago ang kalumaan ng bahay. Napatingin ako sa pintuan yari sa kawayan na may kadena na nagsisilbing lock nito. Nagtangis ang bagang ko sa isipin na kayang kayang pasukin ng sinuman ang kubong ito.
"Dude hindi ka ba papasok? Nag iintay na si miss Bernales sa loob. "
Tumango ako at diretsong pumasok sa loob.

"C-caloy?"
Hindi ko inaasahan ang biglang pagbungad nito. Akma itong lalapit sa akin ng itaas ko ang dalawang kamay ko.
"Miss Bernales, this is Mr Miguel Bernard Miranda III, ang may ari ng lupang ito. Kagaya ng request mong makausap ang may ari bago kayo umalis dito." Inosenteng pagpapakilala sa amin ni Anton.
"Bumalik ka na Caloy." Bakas ang saya sa maganda nitong mukha. Sa loob ng pitong taon ay masasabi kong mas lalo itong gumanda. Hindi rin maikakait ang mgandang hubog ng katawan nito na mababakas sa bulaklaking bistidang suot nito. Pero hindi na ako masisilaw sa labas na kaanyuan nito.
"Nanay, tapos ko na po kulayan yun coloring book ko." Mula sa kung saan ay may maliit na tinig na nagsalita.
Tiningnan ko nang nag uusig si Inday na halatang naalarma sa pagsulpot ng batang babae.

"C-Caloy, magpapaliwanag ako."

"Miss Bernales, hindi ako pumunta dito para makipag kwentuhan ng mga personal na bagay tungkol sayo. And please call me senyorito Bernard or Mr Miranda ." Malamig kong wika.

"Hrmm." Tumikhim si Anton na mukang nararamdaman ang tensyon sa pagitan namin.
"Miss Bernales kung ok lang isasama ko muna sa labas si Ella para makapag usap kayo mabuti ni Mr Miranda." Tumango ito at bumaling sa batang nagngangalang Ella. Lumuhod ito at inayos ang nalukot na bistidang suot ng bata.

"Ella sumama ka muna kay kuya Anton sa labas may pag uusapan lang kami ng bisita natin."
Natawa ako ng mapait. Hindi ako bisita!
"Come here pretty. Gusto mo bang sumakay sa kotse ni kuya Anton?"
Binuhat ni Anton ang bata. So close sila? Seriously? Kuya Anton?
Nahihiyang tumango ang bata na kumapit ng mahigpit sa leeg ni Anton ng buhatin ito nito.

Namayani ang katahimikan ng ilang saglit.
"Caloy, kamusta kana?"
Nag init ang ulo ko sa sinabi nito.
"I told you, it's Bernard! At hindi ako pumunta dito para makipag kamustahan sayo." Suminghap ako ng hangin bago nagpatuloy. "Pumunta ako dito para bigyan ka ng dalawang linggo para magbalot balot na ng gamit nyong mag ina." I saw her flinched sa huli kong sinabi.

Inday's POV

Wala akong maapuhap na salita sa taong kaharap ko. Hindi ko sya kilala. Hindi ito ang Caloy na mahal ko. Ibang iba ito sa taong minahal ko noon.

Nang makita nito si Ella ay hindi maitago sa mata nito ang galit.
"Caloy kahit saglit lang pakinggan mo ako parang awa mo na." Hindi ako basta susuko kahit nasasaktan na ako sa malamig na pakikitungo nito sa akin. Pinipigilan ko ring tumulo ang luha ko.
Bigla itong tumalikod nang mag ring ang cellphone nito.
"Well good morning to you too beautiful. So how's my fiancée? " Parang sinaksak ako ng paulit ulit sa narinig ko. Fiancée? Ikakasal na ito at hindi ako ang babaeng iyon kagaya ng pangako nya.
"Yes, babe I can't wait to see you too. Yes, I need you here to plan your dream wedding. You will like it here babe. Ok I love you too."
Kaya ba hindi nya gustong marinig
ang paliwanag ko dahil wala na talaga syang pakialam? Na may mahal na itong iba? Na yun pangako namin sa isa't isa ako lang pala ang naghintay at umasa?
Bumangon ang poot at galit sa dibdib ko. Sa loob ng pitong taon, tiniis ko ang lahat ng hirap at pasakit dahil umasa ako sa pangako nya. Pinalampas ko ang mga oportunidad na matupad ang pangarap ko dahil wala akong ibang iniisip kundi ang pagbabalik nya. Na hindi ako pwedeng umalis sa lugar na ito dahil babalikan ako ng caloy ko.
Ng taong mahal na mahal ko.

"So miss Bernales sapat na ba ang dalawang linngo? I'm sure naman wala kang ganun karaming gamit para balutin." Nilibot nito ng mapang uyam na tingin ang kabuuan ng loob ng kubo. "Don't worry may matatanggap ka rin PERA mula sa hacienda Miranda pag alis ninyong MAG-INA." Madiin nitong wika.

"Ikakasal kana?" Hindi ko pinansin ang sinabi nito kanina. Gusto ko lang ipamukha sa kanya kung gaano sya kawalang Puso sa ginawa nya sa akin. "Nangako ka caloy." Pinipigil ko ang pagpatak ng luha ko.

"Look Inday, hindi ko na kasalanan kung tanga ka. Mga bata pa tayo noon at hindi ko naman inaasahan na sineryoso mo pala yun mga kahibangan natin dati. Maraming nagbago sa pitong taon at kasama ako sa mga nagbago. Wala na ang kababata mong si caloy, I'm a better man now so please tigilan mo na ako." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang sabihin nya ang mga salitang iyon sa akin.

"Ganun ba. Pasensya na po senyorito. Wag kang mag alala, hindi hindi kita guguluhin. Best wishes nga pala sa nalalapit mong kasal. Salamat sa dalawang linggong palugit na ibinigay mo. Kung wala na po kayong sasabihin ay makaka alis kana." Yun Lang at tumalikod na ako bago pa tuluyang malaglag ang aking luha.

________

Enjoy reading!!
Thank you!
Please don't forget to vote and share your thoughts in the comment box:))
That hottie on the top is our dear Caloy! (William Levy) Lol naakit lang po ako sa abs nya kaya sya nilagay ko. *blush*
Updated: November 21,2014
follow me: lovingly_yours007
Love lots Jaymee <3

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon