SA mabagal na pagmamaneho sinusundan ng aking mata ang bawat madadaan ko na bago sa aking paningin.Marami na palang nagbago dito na malayo na sa pagkakaala kong itsura ng bayan. Mula sa mga dating palayan lang noon ngayon ay natatayuan na ng instraktura. Mga bahay na noon ay maliit lang ngayon ay mga moderno na at tila nakikipagsiklaban pa sa palakihan at pagandahan.
Wow!
Isang malaking gusali ang aking natanaw na tunay naman na nagpamangha saakin.
May mall na pala dito.
Kaylan pa?
Napalabi nalang ako.
Patunay na lahat talaga ay nagbabago.
Nilagpasan ko rin iyon.
Hindi naman dahil na amaze ako ay ibig sabihin ngayon lang ako nakakita ng mall. Ganoong kaliwat kanan ang mga mall sa Manila.
I'm not an ignorant after all masaya lang ako para sa sarili kong bayan.
Tagumpay ng bayan na ito ay tagumpay rin ng mga nasasakupan nito.
May panghihinayang na hindi ko nasaksihan ang paglago ng lugar na ito. Sa Manila man ako nakatira ang puso ko ay mananatili rito.
Binalik ko sa mabilis na takbo ang sasakyan. Bumagal lang ulit ako ng papasok na ako ng arko. Arko na hindi ko mapigilan na silipin muna at mapasambit sa letrang nakaukit doon
Welcome to Santa Inez
Ngumiti ako. Isang malaking ngiti. Suddenly, I feel home. Home that I didn't felt in years na nasa syudad ako. Pero ngayong nandito na ako muli, susulitin ko na.
Welcome back to me to my home town! Tili ko sa aking isipan.
Binaba ko ang bintana sa tabi ko at pumikit at hinayaang humampas sa'king mukha ang panghapong hangin. Dinama iyon kasabay ng malalalim na paghinga na tila sa ilalim ng balon ko pa inahon.
Ngunit kasabay ng hangin ay ang panunumbalik ng mapapait na alaala. Alaala na kung maaari lamang ay makalimutan ko na sana.
The excitement i was feeling earlier was quickly change into bitterness.
My mood got spoiled.
Sa mabilis na pangbawi ay tinapakan ko ang gas pedal at sa isang iglap lang ay bumalik ang excitement sa'kin dugo.
The corner of my lips lift up in to a smirk.
Driving this BMW is not bad after all. Napakabilis ko lang narating itong probinsya.
Napaingos ako sa tumatakbo sa aking isipan.
Ang swerte talaga ng gagong may ari ng sasakyan na ito. Biruin mo bukod sa tatlong hospital chain at mga bahay na pagaari nito ay sandamakmak rin na sasakyan ang meron ito.
And i was sure he doesn't mind if i stole one of his car.
Naalala ko ang malaking garahe ng pinagkuhanan ko nito kahapon. Sa malamang wala pa itong ideya na ako ang nang carnap dahil kung oo dapat kagabi pa 'yon nakabuntot sa'kin.
Pwedeng wala itong pakialam sa sasakyan pero may isa pang mas mahalagang pag-aari nito na nasa'kin.
I looked at the rear view mirror to see the sleeping girl in the backseat, hugging a pink teddy bear in her arms.
I smile mischievously at the fulfillment of the job I well done.
I just not stole the car but I kidnap his daughter's too.