I Will Always Love You (One-Shot)

48 4 0
                                    

I Will Always Love You (One Shot)

Matagal na kaming magkarelasyon ni Josh 6 years na sana kami ngayon kung hindi nya ako iniwan para lang sa babae na yun hindi ko alam kung bakit nya ako pinagpalit dun sa babae na yun naging tapat naman ako sa kanya wala akong ibang minahal kundi sya lang at ramdam ko rin na ganun din sya sa akin. Hindi ko maisip kong bakit kelangan pa mangyari ang mga ganung bagay kung kelan sobrang tagal na namin at gusto na syang pakasalan. Bakit kelangan mangyari to?!

FLASHBACK

Isang araw pumunta kami sa paborito naming pasyalan ang pasyalan kung saan kami nagkakilala, kung saan kami bumubuo ng masasayang alaala, kung saan nya ako sinursurprise at kung saan kami nagiging matatag ng maraming taon. Ang ganda ng lugar na to maraming damo kung saan pwede kang humiga, maglaro at magpicnic. Napakasarap ng hangin dito at perfect ang lugar na ito para sa mga magkasintahan. Oo nga pala nakalimutan kong magpakilala ako nga pala si Chelsea at ito naman ang boyfriend kong sobra kong mahal na si Josh.

"Josh, bakit mo pala naisipan pumunta dito? May surprise ka na naman siguro sa akin nu?" tanong ko sa kanya na kanina pa hawak hawak ang kamay ko, nakaupo kami sa damuhan at may nakalatag na sapin at yun ang inuupuan namin.

"Gusto kasi kitang makasama." sabi niya na hawak hawak parin ang kamay ko.

"Lagi naman tayo magkasama ah. Kaw talaga!" sabi ko na napangiti dahil sa sinabi niyang gusto nya akong makasama.

"Naalala mo ba nung una tayong magkakilala?" sabi niya na parang himala na nagkwekwento sya at binabalikan ang nakaraan hindi naman kasi sya pala kwento mahilig yan magpatawa at magpakilig kaya nakakapagtaka ang kinikilos nya pero syempre kahit parang iba ang presensya nya ngayon nakinig ako sa kwento nya at saka ko inaaala ang unang araw na nagkakilala kami sa lugar na to.

"Oo naaalala ko. Nakita kitang kumukuha ka ng mga litrato sa tapos yung punong maganda nandon ako nun tapos pinipicturan mo rin yun kala ko pa nga paparazzi kita eh. Hahaha! Inaway pa kita nun. Ano ba yan! Nakakatawa naman pag naaalala ko.

"Oo nga eh. Amazona na ka pala alam mo bang humanga ako sayo nun kahit ako nagulat kung bakit kita nagustuhan eh Amazona ka nga. Pero inisip ko kung bakit at alam mo kung paano kita nagustuhan?" sabi nya na nakakapanbago talaga na ganyan sya magkwento.

"Paano?" sabi ko.

"Kasi matapang ka. Sa sobrang tapang mo naniniwala akong makakaya mo lahat." sabi nya na parang may lungkot sa boses nya.

"Josh, may problema ka ba? Bakit kanina pa kita napapansin nalungkot mo?" tanong ko sa kanya kasi biglang bumilis ang tibok ng puso ewan ko kung bakit.

"Chelsea ..." sabi ni Josh na may lungkot sa boses nya 

"Josh, ano bang nangyayari sayo? May nangyari ba? Sabihin mo sakin." sabi ko na may namumuong luha sa mga mata ewan ko ba pero parang kumikirot ang puso ko sa pagbigkas nya ng pangalan ko.

"Iiwan na kita Chelsea .." sabi niya sakin na parang seryoso pero nararamdaman kong nasasaktan sya.

"A-ano b-bang s-sinabi mo? May surprise ka na naman ba sakin? I-ikaw talaga ang hilig mo akong i-surprise. H-hahaha." sabi ko na tumatawa sabay nang pagtulo ng luha ko.

"Seryoso ako Chelsea. Magbreak na tayo." sabi niya sakin na hindi ko malaman ang ekspresyon ng mukha nya. Patuloy parin ang pag-agos ng mga luha ko sa mata.

"B-bakit? M-may problema ka ba s-sakin? S-sabihin mo sakin. Aayusin ko." sabi ko na nahagulgol na sa iyak ang sakit sobra yung feeling na parang sinasaksak ka ng paulit-ulit.

"Walang problema sayo narealize ko lang na hindi na pala kita mahal." sabi niya ng diretso sakin

"For almost 5 in a half years na magkasama tayo Josh?! 5 IN A HALF YEARS! Sasabihin mo sakin na hindi muna ako mahal?!" sabi ko na napapasigaw na dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

I Will Always Love You (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon