TAMBAY no MORE

7 0 0
                                    

YES. Natanggap nako sa trabaho makakatulong na din ako sa magulang ko. Sa dami ba naman ng requirements ngayon para matangap ka sa trabaho eh tiyak sasakit ang ulo mo. Minsan naisip ko na nga na ibenta na lang ang laman loob ko (internal organs) para lang magkapera pero maliit lang naman ang katapat na pera noon. Sa totoo lang 3 taon ang ginugol ko upang maging eksperto sa trabaho na inaplayan ko at sa awa ng diyos ntangagap din ako.

            Laganap na ang krimen sa panahon ngayon nagkalat ang mga krimenal sa lansangan teka may pinagkaiba nga ba? Noon laganap na talaga ang krimen saan sulok ka man ng syudad magpunta, pero ibang klaseng krimen ang kinakaharap ng mundo ngayon kung dati mga material na bagay ang ninanakaw ngayon hindi na.

            Tahimik ang paligid wala kang maririnig kung hindi huni ng ibon at kaluskos ng mga hayop sa paligid bihira ang mga taong naglalakad sa kalye. Ang mga taong makikita mo lang sa paligid ay ang mga taong walang trabaho tintawag namin silang Day Walkers sila yung mga klase ng nilalang na wala nang pakinabang sa lipunan sila yung tipong di mo papakinabangan kahit ipakain mo sa Night Suckers. Siguro ay naguguluhan ka na sa mga nasasambit ng dila ko pero maya maya ay maliliwanagan ka narin salahat ng pang yayari na nagaganap sa mundong kinabibilngan ko.

            Kelan ko kaya matatanggap ang unang sweldo ko tiyak tutulo ang laway ng mga kapatid ko sa laki ng kikitain ko hindi naman sa mas maganda ang trabaho ko sa kanila sa totoo nga parehas lang kami ng trabaho at halos lahat ng tao ngayon kaparehas ko ng trabaho. Ilang taon narin ang nkalipas simula ng maging karapatdapat na ako upang mapasok sa ganitong kagandang trabaho isa sa pinka pipitagang Gawain sa panahon ngayon.

            Ihahayag ko na ang mga pangayayri na nagpabago sa takbo ng pamumuhay ng mga tao sa mundo at kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Ako nga pala si GABBA isang buhay na ebidensya ng mga kauri ko ay malayo ang mararating kung pangarap lang din ang pagbabatayan.

30 taon na ang nakakalipas ng magsimula ang paglago ng ekonomiya ng bansa natigil na ang mga krimen tulad ng pagpatay, pagnnakaw , pangaggahasa , korapsyon at sari saring makalumang krimen ng nkaraang henerasyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PUYAT LANG YANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon