CHAPTER TWO

20 1 0
                                    


I am wondering, ano kayang klase ng buhay mayroon ako kung nandito parin si mommy saka si daddy sa tabi ko. Sobrang miss ko na sila. Buti na nga lang nadyan si lola. Ramdam ko na hindi ako nag-iisa.

"Ouch."

"Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo huh?"

Pagkatapos ay hinawi n'ya ang mahaba n'yang buhok. Kitang kita sa itsura n'ya na mayaman s'ya. May suot s'yang magarang kwintas, mahaba ang buhok n'ya. Silky and straight, sobrang ganda n'ya pa. Ang tagos ng ilong n'ya, mas matangkad s'ya ng konti sa'kin. Sobrang pula naman ng labi n'ya kahit walang tint.

"Lers, let's go. Don't waste your time for that idiot." Sabi naman ng kaibigan n'ya na sobrang ganda rin.

"Hoy, hindi ako tanga. Kayo nga 'tong bigla nalang sumulpot."

"Ey miss idiot, baka hindi mo kilala si Lers? S'ya lang naman ang anak ng may-ari ng school na 'to. She is Lerica Maldivore."

Tsk, ang yabang nito ha, inirap-irapan pa 'ko.

"Anong pake ko kung may-ari s'ya nitong school e nagbabayad naman ako ng tuition dito." Matapang kong saad habang sinusuri ko mula ulo hanggang paa si Lerica.

"Let her suffer here in this school Meome." Matipid na sagot ni Lerica pagkatapos ay umalis na kasama ang maingay n'yang kaibigan.

•Lerica's Pov•

"Lerica? Why did you let that stupid girl?"

" 'Cause Meomi, may record pa 'ko kay daddy dito sa school na 'to. Isang pakikipag-away ko pa, malamang goodbye Maldivore Prime na 'ko."

"So you'll just let her?"

"Isa ka pang idiot, alam mo 'yon? Duhh, as if namang hahayaan ko lang ang isang pulubi na banggain ako. I know that she'll walk away in this school using her own feet."

•Ariadne's Pov•

"Ansungit, kainis. S'ya naman 'tong bumangga sa'kin e." Sambit ko habang naglalakad ng mabilis. Sobrang late na ako.

"Aray!" Isa pa 'to. Napakamalas!

"Sorry, nagmamadali kasi ako." Paliwanag ng lalaking may suot na nerdy glass, naka-gel ang buhok, may itsura pero nerdy tignan.

"Okay lang, buti ka pa nag sorry."

"Mauuna na ako."

"Teka, alam mo ba 'yong G11-Hades? STEM."

"Teka, same room, tara na late na tayo." Hinawakan n'ya naman ang kamay ko. Hila-hila n'ya ako ng mabilis patungo sa room namin sa third floor."

"Teka sandali."

"Bilisan mo maglakad, balita ko terror ang teacher natin ngayon Miss."

"I'm Ariadne."

"Ariadne. Ang school na 'to ay sobrang mahigpit. Old student ako kaya alam ko."

"O-okay."

Hingal na hingal na binuksan ng lalaki 'to ang pintuan ng classroom namin. Nakakahiya, naglingunan ang lahat nang buksan n'ya ang pinto. Mukhang nag-uumpisa na silang mag klase.

"What's your name!?" Sigaw ng teacher namin na nakasuot ng salamin at medyo kulubot na ang mukha.

"I'm Erren Klyle Chu," saad ng lalaking nakasuot ng nerdy glass habang hawak parin ang kaliwang kamay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sleep with Me, MorpheusWhere stories live. Discover now