Chapter Twenty-six (The road to finale)

9.3K 243 14
                                    

DAHIL sa labis na pagdaramdam ay hindi na nakabalik ng Pangasinan si Coleen. Hindi na rin umabot sa itinakdang petsa ang panganganak nito. Mukhang alam na ni Cedric ang dahilan. Nitong nakaraang mga araw ay hindi niya makausap ang dalaga. Mas gusto lang nitong magkulong sa kuwarto.

To the rescue pa rin siya nang magdesisyon ang dalaga na mag-stay sa ospital dahil sa iginigiit nito na malapit na itong manganak. Pagdating nga sa ospital ay kaagad itong ipinasok sa delivery room. Sinamahan niya ito. Hawak niya ang kamay nito habang ito ay pilit na umiiri.

Hindi niya maiwasang masaktan habang iniisip na malaki ang naging papel ni Franco sa buhay ni Coleen. She's now delivering Franco's child, and that was hurting his ego. But he has to accept the truth. But sometimes he's about to give up. Mahal niya si Coleen kaya kahit ramdam niya'ng dehado siya ay patuloy siyang umaasa na magtatagumpay siya. Subalit sa kalagitnaan ng pag-iri ng dalaga ay nanulas sa bibig nito ang pangalan ng ibang lalaki.

"Uuhhh! F-Francoooo!"

Pakiramdam ni Cedric ay naupos ang lakas niya. Bigla siyang nanghina. In the end, Franco still won Coleen's heart. But he can't blame Coleen for that matter. Gayunpaman ay umaasa siya na magiging maayos din ang lahat. Ang tanging pinaghahawakan niya ay ang pagtanggap nito sa marriage proposal niya. Pero aminado siya na posibleng babaliktad ang lahat.

Halos ayaw niyang hawakan ang baby ni Coleen nang ibigay ito sa kanya ng doktor. Wala namang alam ang mga ito kung sino talaga ang tatay ng bata. Pero nilunok niya ang pride at tiniis ang sugat sa kanyang ego. Sa unang sulyap ay makikita ang mukha ni Franco sa sanggol. Walang duda.

Nang ibigay niya kay Coleen ang sanggol ay nasilayan niya ang walang kawangis na kaligayahan sa mga ngiti nito.

"Congratulations!" bati niya rito.

"Salamat," anito saka hinalikan sa noo ang sanggol.

Hinayaan na muna niyang makapagpahinga si Coleen. Nagpaalam siya rito na lumabas at maghihintay na mailipat ito sa private room. But deep inside, he need to take a break and allow himself to think wise. He needs some fresh air just to ease some pain in his heart.

HINDI makapaniwala si Coleen na hawak na niya ang kanyang anak. Simula nang masilayan niya ang maamo nitong mukha ay hindi na naalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Kasabay sa ligtas niyang pagluwal sa sanggol ay tila nailabas nito kasama ang lahat ng pasakit sa puso niya. Wala nang mas liligaya pa sa pakiramdam ng isang ina habang kalong ang kauna-unahang anak.

Bahagya siyang nakaupo sa kama habang hinihili ang kanyang anak. At habang nakatitig siya sa mukha nito ay walang ibang laman ang isip niya kundi ang ama ng kanyang anak. Sumariwa sa kanyang diwa ang matatamis na sandaling pinagsaluhan nila ni Franco. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya iniisip ang masasakit na pangyayari. Ang gusto lamang niya ay ang kasalukuyan.

Nang mailipat na siya sa private ward ay saka lamang siya nakatulog. Paggising niya ay gabi na. Nalaman na lang niya sa Tita Talia niya na umalis na si Cedric. Nakalagay na sa kona ang kanyang anak at natutulog.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Coleen?" tanong ng kanyang tiyahin. Inilapit nito sa kanya ang tray ng pagkain.

"Bumubuti na po ang pakiramdam ko," sagot niya.

"Kumain ka na muna. Lalabas lang ako sandali para bilhin ang niresetang gamot sa 'yo," anito.

"Sige po. Salamat."

Paglabas ng ginang ay kinuha niya ang tray ng pagkain at ipinatong sa kanyang mga hita. Wala pa siyang ganang kumain pero pinilit niya. Kailangan niyang makabawi ng lakas.

Nakakatatlong subo pa lamang siya ay inabala siya ng magkasunod na katok sa pinto. Kaagad din iyong bumukas. Nasorpresa siya nang makita si Dr. Ace, na kaibigan ni Franco. Napatingin siya sa dala nitong basket ng prutas at punpon ng halo-halong bulaklak. Deretso itong pumasok at lumapit sa kanya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon