ISIAH's POV
Tatlong araw simula nung nag propose sa'kin si Steven ay naging abala kaming lahat sa paghahandang kasal namin ni Steven. Halos lahat abala, lahat may kanya-kanyang distinasyon at lakad.
Si Miyu at Seven ang naghanap ng Venue, sa kanila nakasalalay ang ganda ng pagdadausan ng kasal namin. Si Vicky naman siya ang nag asikaso ng mga flowers na gagamitin sa kasal pati ang mga cake. Kasama din siya ni Storm sa pag-aayos ng invitation card at mga souvenier namin.
Si Suzie naman at si kuya Sky ang abala sa mga sponsors at mga entourage namin, kung sino ang mga bisita, ang mga ninong at ninang. Ang mga bridge maids at grooms men, kung sino ang little bride, little groom, flower girl, mga coin, ring at bible bearer, best man at maid of honor.
Kami naman ni Steven, abala sa mga ibang bagay, pero may gumugulo sa isip ko habang papalapit ang kasal ko. Kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang nangyayari sa kanya?
Nag-iisip ako kung ano ang gagawin ko, ngayon na ikakasal na ako, dapat ba niyang malaman? Dapat ko bang ipaalam?
"Kaylangan mong mag desisyon babe kung sino maghahatid sa'yo."
Napatingin ako kay Steven nang marinig ang sinabi niya, nabasa ba niya ang iniisip ko? 'Di ko namalayan na napatingin na siya sa'kin.
"Last day, Jys and Zyx ask me about your father."
Nagulat ako sa sinabi ni Steven, binaling ko ang tingin sa ginagawa ko, 'di ko ini-expect na magtatanong ang kambal about kay papa.
"Babe, mahirap sagutin ang tanong nila, dahil 'di ko rin alam ang isasagot sa kanilang dalawa."
Dinig kong wika ni Steven, pa'no pag sa akin sila nagtanong? Matagal na rin... 15 years na ang nakalipas, 'di ko pa rin ba siya napapatawad?
"Iniwan na pala ng pangalawa niyang asawa ang papa mo."
Napatingin ako sa kanya, bakas sa mukha ko ang gulat sa narinig ko, iniwan na siya ng babaeng yun? Kung ganun nasan na si papa? Nasa'n na siya?
"N-nasa'n n-na s-siya?"
Sa wakas lakas loob kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa'kin, hinawakan niya ang mga kamay ko, pinisil niya ito saka siya humarap sa'kin.
"Iniwan siya sa lugar na kung saan iniiwanan ang mga matandang wala ng mag-aalaga."
Sa gulat ko napatayo ako, si papa? Iniwanan na ng magaling niyang kabet? Pagkatapos ng lahat-lahat?
"S-san siya iniwan!?"
-------------
*******"Are you ready? Sure ka na ba?" Tanong ni Steven sa akin.
Tumango lang ako, kinapa ko ang dibdib ko, kaylangan kong maging handa, kinakabahan man ay mahigpit ang hawak ko sa braso ni Steven. Habang naglalakad kami sa paselyo ng building na 'to, napakalamig ng pawis ko sa kaba, handa na ba talaga ako? Pero kaylangan ko maging handa.
May sumalubong sa'min na nurse, nakangiti ito nang matamis na matamis, napayuko siya sa'min at niyaya niya kaming maupo muna, nagpasalamat kami ni Steven at tahimik kaming naupo.
Sinabihan kami ng nurse na mag-antay lang sandali at aasikasuhin lang niya ang ibang pasyente. Tumango naman kami ni Steven at nagpasalamat ulit sa kanya. Ilang minuto lang naman ang pag-aantay namin nang marinig ko ang tawag ng nurse.
"Ma'am, heto na po si Mr. Cruz."
Nang makita ko ang papa ko, 'di ko napigilan ang lumuha. Napatakip ako sa bibig ko sa nakita ko na ang dating lalaking makisig na minahal ng mama ko ay 'di ko na makilala sa itsura niya ngayon, payat, maputla, puro na puti ang buhok niya.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Roman d'amour"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...