Unexpected Love From Unexpected One.

10 1 0
                                    

"Best Pangit ba ako?" tanong ko sa kanya Habang tinitignan ang Sarili ko sa Salamin na Hawak ko.

Nakaupo kami ngayon sa Canteen.

"Hindi, Ang Ganda mo kaya" sagot Nito at Humarap sakin.

Maganda naman talaga ako Ngayon lang ako Pumangit kasi NagkaTigyawat ako.

At isa pa Sanay akong Masabihan ng Maganda Pero pag Sa kanya Nanggaling Iba yung Pakiramdam

Parang May Something na Kakaiba.

Pero Hinde, Bestfriends lang kami.

Binaba ko yung Salamin na Hawak ko at Hinampas sya sa braso.

"Aaarayy!!" Inda nya habang hawak yung Braso nya.

"Baliww! Ang Pangit ko kaya! Tignan mo na oh, Puno na ng Tigyawat yung Mukha ko." sagot ko sa kanya habang Tinuturo turo yung Mga tigyawat ko.

"Tss. Eh pano kasi Panay yang Pagpupuyat mo!" Panenermon nito.

"Duhh. Worth it naman no?" Sagot ko at Kinuha yung Lipstick ko sa Bag at Naglipstick.

"Worth it ka Dyan!" bigla nyang Hinila yung kamay ko at kinuha yung Lipstick.

"Ibalik mo nga yan!!" naiinis kong Sigaw.

"Veron, Alam mo bang Nagmumukha kang Ewan sa PinagGagawa mo!" Galit na rin nyang sabi tsaka nya Pilit na inilalayo yung Lipstick Pilit ko din nman yung Inaabot.

Tumayo ako Para Kunin Sa kanya yun.

Pero Mabilis Rin Syang Tumayo at Naglakad Palayo.

Inayos ko Agad yung Mga Gamit ko dun sa Mesa at Sinundan sya.

"Nichol!!" sigaw ko Pero hindi nya ako Nilingunan.

"Nicholo Jayyyyyyyy!!" sigaw ko Ulit Halos Pagtinginan na kami ng Lahat ng Mga Estudyante pero hindi pa din talaga sya Humihinto sa Paglalakad hanggang sa Makarating na kami Malapit sa Gym.

"Hoyy Nicholo Jay!? Bakla kaba Ha!? Bat ka Nang-Aagaw ng Lipstick!?" sigaw ko at Napahinto naman sya sa Paglalakad.

Pakiramdam ko din kasi Minsan eh Bakla tong Lalaking to.

Eh Pano naman kasi Ang Tagal ko na syang Bestfriend pero wala pa akong Alam na Nagiging Girlfriend nya.

Pag Tinatanong ko naman sya kung May Natitipuhan sya Lagi lang nyang Sinasabi Inlove sya sa Gitara nya.

Parang Girlfriend na daw Kasi nya yun. Kasi Never yun Nawala sa Tabi nya.

Buti pa yun Lagi nyang kasama nakaSabit lang sa Likod nya.

Humarap sya sakin at Lumapit sa Kinatatayuan ko.

Bigla nyang Inilabas yung Panyo nya at Biglang Pinunasan yung Bibig ko.

Kaya Hindi Nako Nakapagsalita.

"Tanggalin mo yan" sabi nya habang Patuloy nyang Ginagawa yun.

Nang Bitawan na nya Yung Panyo nya Agad kong Kinuha yung Salamin ko at. Fushanggala!

Nagkalat Kalat yung Lipstick sa Bibig ko. Pati sa Pisngi Meron ako.

Eeeeee Para akong Clown neto!

Tumatawa Lang sya Habang ako naman Asar na Asar sa ginawa nya.

Inilapit nya sa Mukha ko yung kamay nya at Akma nya akong Pupunasan.

Pero Pinigilan ko na sya at Sinigawan ng Malakas.

"Busit ka! Matapos mong Gawin to! Tsaka mo pa Pupunasan eh no!!?"

Sa sobrang Lakas ng Pagkakasigaw ko.

Napukaw namin yung Atensyon ng Mga tao Malapit sa Gym.

Kaya Nakatingin silang Lahat samin.

Nang Bigla namang Nagsilabasan yung Mga Basketball Player.

Na nakatingin din Sa Direksyon namin.

kasama na dun si Matthew , yung Lalaking kinababaliwan ko. Yung Pantasya ko. Sya yung Pinagkakapuyatan ko. yung Pinagkakaadikan ko. Aminado naman ako na Iniistalk ko. Lalaking Pangarap ko.

yung Aking Man of My Dream. ♥

Walang Iba kundi si Matthew Hernandez.

Kilalang kilala sya sa Watsons Academy Bukod pa kasi sa Gwapo nyang Pagmumukha Varsity sya sa Ng Basketball team ng School na to. At Model din kaya naman napakaDaming Nagkakandarapang Babae sa kanya At Isa na ako dun.

Kilala din sya sa Taglay nyang Karisma. Yun nga Lang may Pagka Playboy at Badboy, Madami na din ang Nagsasabi na Mahilig sya sa Bed at Wala mang Buwan yung mga Nagiging Girlfriend nya eh Hinihiwalayan na nya. Pero wala akong Pakialam. Basta ang Sa akin Lang Sya yung Pangarap ko.

Mabilis akong Nagtago sa Likuran ni Nichol.

Ayoko kasing Makita nyang Ganito yung Itsura ko.

"Nakatingin paba sila?" bulong ko sakanya habang Nakatago pa din sa likod nito.

"Hindi na." mahina nyang Sagot.

Sa Halos Ilang Taon ko na syang Bestfriend. halos kabisado na nya ako. alam na nya yung Tinutukoy ko At alam nya ding May Gusto ako Kay Matthew.

Bestfriend ko na sya Since Pinanganak ako.

May mga Naging Friends naman ako na Iba Especially Girls pero di ako Nakakatagal sa kanila kasi Ayoko lang sa Plastikan.

Hindi ako One of the Boys. May Crush nga ako eh. Sadyang ayoko lang talaga sa mga Kaplastikan lalu na Pag Babae yung mga Friends mo.

Pagkatapos nun ay Umalis na ako sa PagkakaTago ko.

At Naglakad na Papunta ng Comfort Room.

Habang sya naman Sumusunod Lang sakin.

Unexpected Love From Unexpected One.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon