••CHAPTER FOUR••

7 0 0
                                    

Lorraine P.O.V

"Araaaayyy!! Anngg Sakkeeett!!"

Agad akong napatigil ng may biglang sumigaw mula sa may likuran ko... Napatayo ako ng tuwid at parang naninigas ang mga binti ko ng makita ko ang kanya kanyang reaksyon ng mga kapwa ko studyante... Kitang kita ko ang pagkabigla sa kanila at palipat lipat ang tingin sakin at sa taong sumigaw sa may likuran ko...

'May nagawa ba ako kaya sila sakin tumingin o talagang assuming lang ako? tss'

d-,-b

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng magsimula na silang magbulongan..

"Omaygod! Anong ginagawa ng nerd na yan sa prinsipe kooo!!"

"She's really stupid"

"Yeah.. She's getting into my nerves mygowd!"

" I knew it! malas ang ugly duckling na yan tsk!"

Hindi ko masasabi na bulongan yon dahil halatang napalakas ang pagkakasigaw nila sabay tingin pa sakin at tingin sa kabuoan ko mula ulo hanggang paa sabay pataray na umismid... Calla mo naman kinaganda nila yan tss... Kahit litong lito ay agad akong lumingon sa may likuran ko para malaman kung ano nga ba ang mga pinagsasabi nila tss..

d0_______0b

Agad nanlaki ang mga mata ko ng... May nakita akong lalaking nakaupo at  nakasandal sa tabi ng mismong locker ko habang nakapangalumbaba at nakayukong humawak sa may bandang ilong nya na... Ibig ba sabihin nito...

d>>____<<b

Hays! Di kaya yong oras na malakas na pagkabanda at pagkasara ko sa locker ko ay syang bumangga sa may bandang mukha nya? juskooo po! Ang malas ko naman talagaaa! First day na first day ko palpak tss!

d-,-b

dahan dahan nyang inangat ang mukha nya at tumitig sa akin... Kung nakakamatay lang ang titig siguro nasa libingan na ako ngayon... Kitang kita ko ang pagkuyom ng kaliwang kamao nya at binigyan ako ng nakakamatay na titig... Dahan dahan nyang inalis ang kamay nyang nakatakip sa mukha nya sabay pahid sa labi nyang dumudugo at don ko lang naaninag ng maayos ang pagmumukha nya... sya yong lalaking nakita ko sa may entrance ng gate na pinagkakagulohan ng mga studyante..

Nakuuu naman! Kung sino pa yong inidolo at sinamba ng mga tao dito ay sya pang nagawan ko ng kasalanan tss... Kung minamalas ka nga naman!

d>>_____<<b

Kitang kita ko ang dahan dahang pagtulo ng dugo sa may bandang ilong nya...

D-dugo?

'Hindi! Hindi... Ayaw kong makita ang dugong yan... Ayaw ko talaga'

Ni hindi man lang nya napansin ang pagtulo ng dugo sa ilong nya.. ni di man lang nya ito pinunasan...

'Punasan mona please.. Ayaw kong makita ang dugong yan.. Wag ngayon'

d>>_____<<b

Mas lalong lumakas ang bulongan sa paligid... May ibang nagtatakbuhan na at may ibang walang pakialam pero mas madami ang nakikialam...

My Unexpected QueenWhere stories live. Discover now