PROLOGUE

17 1 0
                                    

Kapag nagmahal ka nga naman lahat na mararamdaman mo.

Saya, sakit, galit, pagka-excite, pati ang feeling na"asdfghjkl".

Pero kapag nasaktan ka na. Walang emoji ang makakpag-describe kung gaano kasakit ang nararamdaman mo.

Ayoko na sanang magising pero sa kasaamang palad kusang bumukas ang mata ko. Dahil sabi ng tenga ko maingay daw ang kapitbahay. Ang aga aga nagvi-videoke na agad. Okay sana kung nasa tono ang pagkanta niya. Sa tuwing naririnig ko siyang kumanta, nagkakaron ako ng pag-asa na may magtu-turn na coach sakin sa The Voice. Sa totoo lang hindi naman yung boses niya ang gumising sakin. Pero yung kinakanta niya. Tagos kasi sa puso. Feel na feel ko sa pagkanta niyang wala sa tono ang sakit na nararadaman ng composer nung kanta. Hindi ko alam kung anong title ng kantang yun eh. Basta luma na. Anyways, nakaka-relate kasi ako sa song. 

Hanggang sa pagligo ko yung kanta pa din ang nasa isip ko. Na-LSS na yata ako. Habang pinagmamasdan ko ang sinangag na almusal ko yung kanta pa din naisip ko. Ganito siguro talaga kapag broken heart. Emo mode. Pati pritong itlog da-dramahan mo.

Hindi ko alam kung paano magsisimula.

Hindi ko alam kung kailan matatapos.

Hindi ko alam kung anong mangyayari.

At higit sa lahat hindi ko alam kung paano hindi na ko masasaktan.

Love at First DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon