Prologue

56.7K 957 12
                                    

"See me at the park. Now"

Halos hindi na ako mapakali sa pag-aayos ng mga gamit ko nang mabasa ko ang mensahe mula sa kanya. Nagmadali na kong makalabas ng university para makasakay agad. Kung dati ay tila may kakaibang saya akong nararamdaman sa tuwing makakatanggap ako ng text galing sa kanya, ngayon ay parang di ko maintindihan pero mukhang kinakabahan ako.

Napapikit na lamang ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin na sumalubong sa akin dito sa park. Napabuntong hininga na lamang ako at hinanap ang sadya ko rito.

Nakatalikod sya ng makita ko, kaya hindi nito napansin na papalapit na ako. "Aidan..."

Nang lumingon sya ay halos manghina ang aking tuhod. Iba talaga ang dating sakin ng lalaking ito. Ang kanyang katangkaran, ang maganda at matipuno nitong katawan na halatang inaalagaan, ang maputi at makinis na balat na nagsusumigaw na isa itong Almeral, ang mayaman at tintingalang pamilya dito sa Pilipinas. Ang mapula at manipis nitong labi na natikman ko nitong nagdaang tatlong buwan...

Nahinto ang aking pag-iisip nang tumikhim ito. "Anong...." naputol ang aking sasabihin dahil nangsalita sya..

"Let's end everything we had these past few months." Totoong nagulat ako sa sinabi nya pero inaasahan ko na ito.Naisip ko tuloy, babalik na ba sya?

"What do you m-mean?" Kahit alam ko na ang ibig nyang iparating ay totoong nautal parin ako dahil sa pinipigil kong luha.

"Everything was a mistake. Mahal ko si Nics at...at ayokong malaman nya ang tungkol sa atin." Humugot ito ng malalim na hininga tsaka nagpatuloy " Bestfriend mo si Nica, at g-girlfriend ko siya..You should know that..." Halata na nahihirapan na itong magpaliwanag kaya ako na ang nagsalita.

" I get it.. na masasaktan sya, masasaktan natin sya..." tumingala ako upang pigilan ang nagbabadyang luha. " I understand.. inasahan ko na ito A-Aidan... Masyado siguro akong nawili.. at u-umasa.."

Mukang naramdaman nito ang bigat ng nararamdaman ko kaya muli syang nagsalita " I'm sorry Riel...I'm so..." Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin. Tumalikod na ako at lumayo. Inasahan ko na to, pero ang sakit parin. Ilan taon akong nag-antay. Pero tatlong buwan ibinigay sakin ang pagkakataon nang mawala nalang bigla si Nica.. pero ganun pa man, hindi parin ako ang pinili. Tama na siguro na sa loob ng ilang buwan nagawa kong magtaksil sa matalik kong kaibigan. Dapat noon pa man lumugar na ko. Itinigil ko na dapat ang pagmamahal sa isang Aidan Luis Almeral, ang boyfriend ng bestfriend ko..

My Bestfriend's Boyfriend (SIGNED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon