BUKO ♥ (BUhay KO - One Shot)

350 16 12
                                    

(A/N: hello po! XDD sorry po kung medyo malilito kayo dito, medyo marami pong flashback e. hoho yun lang. thank you! ^__^ enjoy reading!

paki play na lang rin po yung video sa gilid if you want. ^^v)

********************************************************************************

Naalala ko pa, nung nililigawan pa lamang kita. 4th year high school pa lang tayo nun. Palagi akong dumadalaw sa bahay niyo. Wala ka mang sakit pero dumadalaw pa rin ako para manligaw, di lang sayo kundi pati na rin sa pamilya mo.

Hatid-sundo pa nga kita noon eh. Dahil gusto ko lagi kitang kasama. Para na rin ma protektahan kita. At dahil gusto kong masilayan ka sa simula at pagtatapos ng araw ko.

Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkita at nagkakilala?

*FLASHBACK*

Di ko mahanap yung librong kelangan ko dito sa library. Aalis na sana ako nang may makita akong babae na pilit inaabot yung isang libro. Di kasi sya katangkaran kaya di niya abot.

Lumapit ako. Inabot ko yung libro at ibinigay sa kanya.

"S-salamat." Sabi nya and she smiled shyly. Tumalikod na siya. Pero bigla akong nagsalita.

"Miss, hulog ka ba ng langit? Ang ganda mo kasi. Mukha kang anghel. Angel ba ang pangalan mo?" at saka ko siya nginitian.

Humarap siya saka tinaasan ako ng kilay at nagsalita.

"Oo. Angel nga ang pangalan ko. Eh ikaw, Christian ba pangalan mo? Mukha ka kasing tiyanak e." sabay talikod at umalis na siya.

Woah! First time na may nagtaray sa'king babae ah.

Di naman sa pagmamayabang pero sikat kasi ako dito sa campus. Heartthrob eh. Tsk. Well, gwapo naman talaga kasi ako. Haha de, joke lang. Pero gwapo talaga ako. ;P

*END OF FLASHBACK*

Grabe talaga. Di ko aakalain na tatarayan mo ako nun. Ang amo kasi ng mukha mo e. mukhang anghel talaga. *u*

Kaya simula nung araw nay un lagi na kitang hinahanap. Lagi akong nagpupunta sa library. Nagbabaka sakaling makita kita dun. At di naman ako nagkamali, andun ka nga. Nakaupo kang mag-isa sa isang la mesa. Nakapatong yung ulo mo sa libro, at tahimik kang natutulog.

*FLASHBACK*

Nilapitan kita at umupo ako sa katabi mong upuan. Tinitigan lang kita habang mahimbing kang natutulog. 5 minutes.. 20 minutes.. 30 minutes.. Di ka nakakasawang titigan. Kahit siguro buong araw pa.. <3

Pero bigla kang nagising at nagulat nang makita mo ang gwapo kong mukha.

"Anong ginagawa mo?!" gulat at galit mong tanong. Eto na naman. Tatarayan mo na naman ako. -__-

"Binabantayan ka habang natutulog." At nginitian naman kita.

"Sinusundan mo ba ko?!" haha nakakatuwa. Ang ganda mo pa rin kahit galit ka na. :)

"Oo, sinusundan kita. Sabi kasi ng nanay ko, follow your dreams. :)" nakita ko, nag blush ka.

"Ewan ko sa'yo! Umalis ka na nga dito!" saka niya sinara pabagsak yung libro.

Napatingin ako sa likod niya. Nakita ko papunta sa'min yung librarian. Lagot!

"You two! Quiet! Kung di nyo kayang manahimik, then leave!" uh-oh. Tiningnan ako ng masama ni Angel saka tumalikod at naglakad palayo. At sa pangalawang pagkakataon ay tinarayan at iniwan na naman niya ako. Haayy.

BUKO ♥ (BUhay KO - One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon