House # 13 . . . Part 1

177 6 0
                                    

Isang masayang pamilya ang nanalo ng isang bahay at lupa mula sa isang pa-contest ng isang bagong programa sa telebisyon. Nang lumipat sila sa nasabing bahay na malayo sa mga katabing bahay ay nagulat sila sa hitsura ng bahay. May kalumaan na ang dalawang palapag na bahay na gawa pa noong panahon ng mga Kastila. Pero masaya pa rin ang mag-anak dahil sarili na nila ang bahay. Pagpasok nila sa loob ng bahay ay natuwa sila dahil inayos na ang loob at bagong pintura pa. Ang hindi nila alam ang pagtira nila sa bahay ay magiging isang bangungot na hindi na sila magigising pa.

*******

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

All rights are reserved.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

*******

Unang Kabanata

Masaya si Hernan habang minamaneho niya ang Honda Civic. Dalawang oras na ang lumipas mula ng lisanin nila ng kanyang mag-iina ang kanilang inuupahang apartment. Lilipat na sila sa bagong titirhang bahay na napanalunan niya sa isang pacontest ng isang bagong programa sa telebisyon. Sumulyap siya saglit sa kanyang asawa na nakatulog na. Nainip kaya nakatulog dahil sa traffic bago sila nakalabas ng Maynila. Sa likurang upuan ay naglalaro pa rin ng video game ang bunso niyang lalake na dose anyos at nakatulog na rin ang panganay niyang anak na dalagita na labing anim na taong gulang.

Binabagtas niya ang daan na maraming matataas na punong kahoy sa magkabilang panig ng daan. Nasa malamig na lugar na sila sa Laguna. Umaandar ang wiper ng harapang salamin ng kotse dahil sa kapal ng hamog. Napansin niyang iilang bahay pa lang ang nakatayo sa dinadaanan niya. Nakita niya ang mataas na lumang pader na semento. Itinabi niya ang sasakyan malapit sa gate na gawa sa bakal. Sa poste ay ang numero ng bahay, numeto 13.

Binuksan niya ang brown envelope na nasa kanyang tabi. Hinugot ang isang papel. Nakasaad sa papel ang address ng bahay. Nasa tamang lugar siya ang kanyang naisip. Tinignan niya ang gate at may lock. Kinuha niya ang isang bungkos ng mga susi sa loob ng brown envelope at ginising ang kanyang maybahay.

"Hon gising na. Narito na tayo." bulong niya matapos tapikin ng bahagya ang balikat ni Rita. Dumilat ito at inayos ang pagkaka-upo.

"Bababa muna ako at bubuksan ko ang gate." sabi niya. Nagising na rin ang kanyang dalagita nang marinig siya.

Binuksan niya ang pintuan at bumaba sa kotse. Malamig ang umaga na medyo kinilabutan siya ng dumampi sa kanya ang malamig na hangin. Walang sasakyang dumaraan. Sila lang ang nakaparada sa tabing daan. Walang bahay rin sa kabilang daan sa katapat ng gate. Lumapit siya sa gate. Hinanap niya ang susi ng padlock sa bungkos na mga susi. Nakita niya at binuksan ang padlock.

Mabagal ang takbo ng kotse nang papasok na sila sa loob ng bakuran. Malawak ang bakuran na may hardin sa magkabilang panig ng daanan ng sasakyan. Namangha sila sa ganda ng mga hardin. Nakita nila ang bahay. Isang lumang dalawang palapag na bahay na itinayo pa noong panahon ng mga Kastila. Hindi sinabi sa kanila na luma na ang bahay at malaki. Huminto ang kotse sa tapat at bumaba silang lahat. Pinagmamasdsn nila ang bahay.

"Hon ito ba talaga ang napanalunan mo?" Tanong ni Rita na niyayakap ang sarili dahil nalalamigan.

"Oo hon. Libre naman kaya pasalamat na tayo dahil atin na siya. Tara pumasok tayo!"

Ang Salamin  (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon