Ilang minuto na ang nakakalipas pero nakayakap pa rin siya sakin. Walang nagsalita sa amin na para bang dinadama ang yakapan na iyon. Pinapakiramdam ko ang bawat hininga namin. Hindi ko maitatangging namiss ko din siya.
"I'm sorry for leaving without saying anything, baby"
Natahimik lamang ako. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. I need to know his side. Atleast listen to him first. May part sa akin na gusto ko siyang paniwalaan.
"Hindi ba nila sinabi sayo?" malumanay niyang tanong.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Ang mga tingin niya na parang pinag-aaralan ang buong mukha ko.
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.
"Pinaalis ako ni tita matapos niya akong mahuli na kalalabas lang ng kwarto mo. I'm sorry,"
Nanlaki ang mata ko. So all this time, akala ko kusa siyang umalis pero kagagawan na naman pala ni mommy. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Don't blame your mom, okay? I also know the rules pero mali pa rin ang ginawa ko. How I wish hindi ka isang Reyes para maligawan na kita,"
"You can still court me though," mabilis kong desisyon at hindi na inisip ang magiging kalabasan ng desisyon ko.
"Yes, baby. I will. Are you free tomorrow lunch?"
Napahawak ako sa baba ko at napaisip. Pwede akong magpaalam sa pinsan ko na sa labas ako kakain. But then, tatanungin niya ako kung sino ang kasama ko.
Pero bahala na.
"Hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko sa pinsan ko."
Ngumiti siya sakin. "I can deal with him. Ako ang susundo sayo mamaya. I'll wait you here,"
I smiled. Hindi ko alam na ang kaninang galit at inis na nararamdaman ko ay napalitan ng ginhawa at saya.
I checked my wrist watch. I'm five minutes late. "I need to go," paalam ko sa kaniya.
Tumango naman siya sakin tsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Alright, see you later" bulong niya malapit sa tenga ko.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad papunta sa klase ko.
Nakahinga ako ng maluwang nung dumating ako sa room na wala pa ang professor nga lang masama na ang tingin sa akin ng pinsan ko. Sasabihin ko ba sa kaniya?
"Bakit ngayon ka lang?" nagdududa niyang tanong.
Niluwangan niya ang neck tie niya at tinagnan muli ako ng masama. Alam kong naiinis na siya.
"Nakipag-usap pa ako,"
"At sino naman?"
"Luke," mahina ang boses ko pagkasabi ko iyon.
Mariin siyang napapikit. "Finally nilapitan ka na niya. I saw him watching you pero hindi ka malapitan dahil kasama mo ako."
"Nakikita mo siya? Why you didn't tell me?!"
Fuck. Akala ko ako lang ang nakakapansin pero parang mas nauna pa ang pinsan ko. Alam na niyang si Luke iyon. At ako? Kailangan ko pang huliin para lang malaman.
"Of course, I won't tell you."
Napairap ako at nginisian niya lang ako. "Mamaya pala sa kaniya ako sasabay pauwi. Ihahatid niya ako."
"Oh sure, huwag lang kayo magpapahuli kay lola o kay tita."
I smiled then hug him. "And also tomorrow lunch! Sabay kami."
Nang harapin ko siya ay seryoso na ang mukha niya. Nawala ang ngisi niya.
"Hindi ako magsusumbong pero hindi kita kakampihan kapag nahuli ka, Chandrea. Knowing tita, gagawin niya ang lahat para malaman lahat ng ginagawa mo. Kaya hindi na ako magtataka kung mahuhuli ka niya kalaunan."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Dumating na ang proffesor namin at hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ng pinsan ko.
I'm stuck between thinking na sasama ako kay Luke ng palihim at hahayaan na mahuli ako ni mommy. Wala naman siyang magagawa kung sasama ako kay Luke.
What the fuck, Chandrea.
I know, I like him. These past few days siya na lang ang nasa isip ko. Ni hindi ko na maisip pa ang nangyari samin ng ex ko.
"Hey... Are you okay?" si Luke at hinawakan ang kamay ko na namamahinga sa hita ko.
I looked at him. He looked confused pero ilang saglit lang ay tumingin na siya sa harapan. He's driving but then napansin niya pa rin ang pagkatulala ko. Kanina pa ako tulala dahil sa sinabi ng pinsan ko.
Tumatak talaga sa isipan ko iyon.
"Chandrea, please say something. You're creeping me out, are you really okay?"
I smiled to assure him that I'm okay. "I'm okay, Luke. Saan ba tayo pupunta? Hindi ito ang daanan papunta sa mansyon ha?"
"Dumaan muna tayo sa bagong bukas na La Café and I consider this as our first date," nakangiting sabi niya.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. First date, huh? I'm not still sure if I will open my heart to him. Kung wala lang problema kina mommy ay papayagan ko na agad siyang maging akin. I like him, though.
I can't stop liking him and I don't know why.
"Don't stare at me Lorraine, I will assume you like me too."
"Then, you're assuming." natatawang sabi ko.
No. I won't tell you that I like you. Not when there's a problem ahead with us. Tsaka na kapag pwede na. And I hope when everything's okay, we're still okay.
I should spoil myself with your time na pwede pa at hindi pa tayo nahuhuli. I want to blame myself for liking him. Sa lahat ng pwedeng magustuhan bakit siya pa? Siya pa na kung saan hindi kami pwede?
And also, I like to blame the rules. Reyes and Collins? Sana hindi na lang ako isang Reyes. Because I'm desparate for his love.
Nang makarating kami sa sinasabi niya ay agad niya akong inalalayang umupo. Nasa dulo ang pwesto namin. Nag order na pala siya bago kami makarating.
"Kanina pa malalim ang iniisip mo. You're eyebrows won't lie,"
Tinitigan ko siya. He stared back, nilalabanan ang titig ko. Sa huli, ako rin ang sumuko. "I hope I'm not a Reyes,"
Tinignan ko ulit siya para makita ang magiging reaksyon niya. He just stared at me with a serious eyes.
"If you're not a Reyes then hindi kita makilala."
I just shrugged my shoulder. Then, it's better to be a Reyes huh?
"Listen Chandrea Lorraine, whatever happens just trust me okay? Don't give up on me. I make sure na sa huli ay tayo pa rin. Okay?"
I smiled. Feeling assured to what he said.
BINABASA MO ANG
Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)
Romance⚠️ Warning: Not suitable for younger readers and sensitive minds. This is for mature readers only.