<my Brother's Weird Friends Part 1>

2.4K 19 1
                                    

Author’s note:

This story is based in true to life experiences may mga dinagdag at iniba ako sa story pero minimal lang po .. Basta po once na binasa nyo po ito Pray and it’s up to you if you’ll believe on it. Thanks J

<my Brother’s Weird Friends Part 1>

Reza’s POV

Ako si Reza a second year college student sa isang State University..

About myself?

Well Di ako katalinuhan at di din naman ako mahina.. basta sakto lang..

Normal naman ang buhay ko.. not until that day.. that day na naging stressful and pressured ako in my studies and some family concerns.. maraming nagbago.. maraming wirdong nangyayari sa paligid ko.. at maraming kababalaghan ang nagyayari..  I’ll tell you a story about it..

<Flashback>

“Andito na ako..”  I said while tinatanggal ko ang sapatos ko .. kakauwi ko lang sa bahay noon ng lola ko.. well malayo kasi ang totoong bahay namain sa university na pinapasukan ko so I stayed here with my grandma and tita.. kami nina ate at ibang pinsan namen.

“kumusta na sya? Anong nangyari sa kanya?” I heard my tita then when I looked at her she’s talking with someone over the phone. She seems worried and sick.. same thing with my ate and grandma..

She paused for a couple of seconds ..

“ok.. sige.. punta naman kami jan.. isasama nab a naming yung mga bata? Saan bang hospital yan?” sabi ng tita ko..

“Tooot Hospital.. ok.. alam ko yan.. isasama ko na lang si Inda (referring to our grandma)… iiwan na lang muna naming yung mga bata kay Eric.. sige..” sabi ni titan a tila natataranta..

“Oh.. ano daw ang nangyare?” my grandma asked.

“Nasa Toot hospital daw sila.. naconfine daw siya ee.,.” my tita answered.

“Sinong nasa ospital Nang?” I asked our tita.. we call her ninang ..

“Sasama ako nang” my ate Rai. Panganay na kapatid ko.

“Dalian mo Inda.. magdala ka na ng mga damit mo.. magbantay tayo sa ospital..ikaw naman Rai kung sasama ka ayusin mo na gamit mo..” si Tita without answering my question.. Duh? I’m here kaya?

“Sino ang nasa ospital?” ulit ko. GM . LOL

No Response. Tsss.. try ko ngang i-PM

“ATE RAI!! Sino naospital?” tanong ko sa ate ko.

“Kuya mo.. nadengue daw.. medyo severe na yung condition nya.. “ sabi ni ate. From that kinabahan ako bigla.. I know something’s wrong.. Ewan.. I guess I’m worried about my kuya..

“Sama ako..” sabi ko while dropping my bag to the sofa.

“may pasok ka pa bukas… sa Friday ka na dumalaw .. “ si Ate.

“oo nga.. tsaka alng kasama mga pinsan mo.. maaga aalis tito Eric nyo.. walang mag-aasikaso sa kanila..” sabi naman ni Tita. From that hindi ako nakasama.. pero iba parin ang pakiramdam ko by that time.. Ewan .. iba sya sa feeling na nag-aalala..

That night katabi kong natulog yung mga pinsan ko.. si Ica.. Aula, and Karj sa isang kwarto.. total wala naman yung mga olds kaya nagisang kwarto na kami para naman mabantayan ko sila and mga duwag to sa multo ee.. which I believed never exist.. nagsisiksikan sila sa kama.. ako naman nagrereview,, may quiz kami sa Statistics ee.. ayokong bumagsak..

Katakot lol &lt;Holloween special&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon