Napaka busy ng tao ngayon. Dahil sa selebrasyon ng Birthday ng aking Lola. Kakagising ko lang at naka pajama pa akong bumaba sa hagdan. Nagulat ako dahil napaka busy na ng mga kasambahay. Pati si Mamay. Lakad ng lakad. Napahikab akong tumingin sa kanila. At nag kamot ng ulo dahil ang taas ng hagdan nila Lola. Nakakapagod bumaba. Di pa nga ako naka gitna.Nakatayo lang ako. Habang nakatingin sa mga kasambahay ni Lola. Pumikit-pikit pa ako dahil parang inaantok ako. Ang sarap kasi ng higaan nila Lola. Sobrang lambot. Kumpara sa amin. Tumingin ako sa kisame. Ang ganda ng chandelier. Humakbang ako at huminto na naman. At huminga ng malalim. Grabi ang yaman talaga ng Lolo at Lola ko. Pati mga Tita ko at Tito. Kami lang talaga ang mahirap sa amin.
Kami lang talaga ang naiiba. Sa pamilya ni Mamay......Habang nag-iisip ako. Ay biglang may humawak sa aking balikat. Kaya napalingon ako. Nagulat ako dahil si Lola iyon. Tumingin siya sa mga kasambahay na sobrang busy. At ngumiti.
"Apo, kailangan mong magtapos ng pag-aaral. At gusto ko Education ang matapos mo." sabi ni Lola na nakatingin sa kasambahay niyang sborang busy.
"Opo Lola, yon nga po ang plano ko. Dahil naikwento ni Mamay sa akin na ang ninuno niyo ay mga guro" nakangiti kong sabi sa kanya. Natawa naman si Lola.
"Naikwento pala ng Mamay mo ah, hays sobrang na disappoint sa Mamay mo apo." umiling niya sabi. At tumingin na sakin. At hinaplos ang buhok ko.
"Napansin ko nga po eh. Na mukhang galit po kayo"
"Galit talaga ako sa kanya apo. Ang taas ng expectation ko sa kanya. Dahil nga ay achiever at sobrang talino ng Mamay mo. Pero sa isang pagkakamali lang" huminga siya ng malalim. At mariin na pumikit."nawalan pa siya ng trabaho. Bigla akong nabagsakan ng langit noon apo. Pinaaral ko siya at pinagtapos para may maibigay siyang maginhawang buhay sa inyo. Pero nawala lahat. Sa isang pagkakamali lang!"
May nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
"Alam ko naman po Lola" yumuko ako.
"Kaya ikaw, wag mong isipin na ikaw ang dahilan ng pagbagsak niyo. Wala kang kasalanan. Di ako galit sayo. Nadamay ka lang sa galit ko sa iyong Mamay apo. Mahal kita, kaya wag mong isipin na ikaw ang dahilan ng lahat." at mainit akong niyakap ni Lola.
Pumatak ang luha ko. Habang niyakap niya ako. Kinalas niya ang yakap at nagkatitigan kami sa mata. Ngumiti siya. At may pumatak na kuha sa kaniyang pisngi. Kahit nay matanda na si Lola. Maganda pa rin siya. Tumawa siya at inalis ang luha sa aking pisngi. Ganon rin ako sa kanya.
YOU ARE READING
Your Childish Girlfriend
Novela JuvenilA girl named Zaya Rosevelle Delfino, a very childish girl who fell inlove with Kim Betelgeus Mirafuentes. It takes a lot of time before Kim notice her. And when everything is fine, there is a big problem came into her life. And it changed her whole...