Ang iyong mga mata na nakakaakit
Mga labi mo na parang ang sarap halikanDi ka naman puting Van para katakutan pero natangay mo ko.
Di ka naman bagay pero bakit napaka halaga mo.
Siguro ikaw yung magandang diwata na nag balat anyo bilang isang tao
Kasi nakaka bighani ka.Di ka naman kape pero nakakapag papuyat ka sa gabi.
Parang higit kapa sa pangarap ko kasi gusto kita.
Sa mga magaganda mong ngiti higit kapa sa matatamis na pagkain.
Sa dami ng isda sa dagat pero bakit ang hirap mo hulihin.
Higit kapa sa ginto pero teka hindi e.
Kasi priceless ka.Yung tipo na gagawin lahat maipanalo lang at ikaw yung premyo.
Marahil madaming nagkakagusto sayo At isa na ko sa mga humahanga sa ganda mo.
Pero hanggang tingin na lang.