Chapter Three

296 11 0
                                    

Katahimikan.

Hindi alam ni Alynna ang magiging reaksyon sa mga nalaman niya mula sa kanyang Ina. Tumayo siya mula sa sofa na kinauupuan nilang mag-ina at nagtungo siya sa isang shelf. Kinuha niya mula roon ang isang kaha ng sigarilyo at lighter saka nagtungo sa may bintana.

"Alynna, anong sabi ko sayo tungkol sa paninigarilyo?" may talim na wika ni Ruth nang makitang sumindi si Alynna nang isa. Ngunit hindi naman kumilos si Ruth mula sa sofa upang pigilin ang anak.

Hindi iyon pinansin ni Alynna. Humithit siya pagkatapos ay dahan-dahan ibinuga ang usok niyon na para bang lalabas roon ang mga sagot sa mga tanong niya.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin 'to, Mama?" tahimik na tanong ni Alynna. Bakit? Bakit ngayong nasa edad bente na siya ay saka pa lang niya malalaman ang isang parte ng buhay niya na matagal na niyang kinalimutan? Bakit kung kailan natanggap na hindi na niya makikilala pa ang kanyang Ama?

Narinig niya ang paghigit ng malalim na hininga ng kanyang Ina. "Dahil karapatan mo rin na makilala mo ang iyong Ama. Naging makasarili ako nang itinago ko ang bagay na iyon sa iyo." sagot nito.

Magkahalong simpatya, lungkot at galit ang nararamdaman ni Alynna. Simpatya dahil hindi man niya alam ang buong kwento ay nasasaktan pa rin siya para sa kanyang Ina sa pinagdaanan nito. Lungkot dahil ilang dekada rin ang nasayang bago niya makilala ang kanyang ang ama, ni hindi siya sigurado kung makakapiling niya pa ito. At galit dahil itinago nito ang sagot sa kanyang ka-isa-isang katanungan sa buhay.

Dalawang dekadang itinago ng kanyang Ina ang tungkol sa katauhan ng kanyang Ama. Sa tuwing nagtatanong siya noong bata pa siya sa kanyang Ina ay laging itong umiiwas o hindi kaya ay walang sagot ito na ibinibigay. Kaya pinilit na lamang niyang kalimutan ang parteng iyon ng buhay niya.

Pinatay ni Alynna ang sigarilyo pagkatapos ay humarap siya sa kanyang Ina. At sa may pinal na boses ay sinabi niya ang kanyang naging desisyon. "I'm going back to the Philippines, Mama."

Ilang segundong hindi kumibo si Ruth pagkatapos ay dahan-dahang tumango. Bumuntong hininga ito. "I understand. Kailan mo balak bumalik ng Pilipinas?" tanong nito.

Subukan man ni Ruth na pigilan si Alynna ay alam niyang hindi na niya mababago pa ang desisyon ng anak. At hindi kaya ni Ruth na ipagkait kay Alynna ang pagkakataon na makilala ang Ama nito pero ayaw niyang masaktan si Alynna.

"As soon as I can. Kailangan ko lang planuhin ang ilang bagay."

--

"Are you lost again?"

Lumingon si Alynna sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niya ang babaeng tumulong sa kanya noong unang araw niya sa EU. Nakaupo ito sa may hagdan. Nakita niya ang facade ng building.

Librarium

"How many library does this school have?" She asked hypothetically. Isang building iyon ng library na kasing lawak yata ng isang gymnasium.

Saglit na tinapunan nang babae ang likod nito. "I think five or six. This is the main library, it's 24/7 while others closes exactly at 5 PM." kibit balikat na sagot nito na para bang balewala lamang ang sinabi nito.

Beautiful StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon