SIMULA

35.8K 1.7K 532
                                    

SIMULA:

"I have a someone to meet, Maiko. Hindi talaga kita masusundo. Oh wait—nandito na 'yong kausap ko. Ingat sa pag-uwi ha? Bye." Mariin napapikit si Maiko nang mawala sa kabilang linya si Teagan.

Ni hindi man lang niya ako hinintay makapagsalita.

Bakit ba hindi pa siya nasanay? These past few days he was busy. She understand that. Ang kaso nangangako ang kasintahan na magkikita sila ngayon araw ng anibersaryo nila, na susunduin siya nito para kumain sa labas.

That makes her irritated.

Kinagat niya ang ibabang labi dahil biglang may pumasok na ideya sa isip niya, bigla siyang kinabahan.

"Anong sabi ng boyfriend mo?Susunduin ka ba?" tanong sa kanya ni Rica na katrabaho at kaibigan niya.

Napabuntonghininga siya bago ilagay sa bag ang kanyang telepono at bahagyang lumapit sa kaibigan.

"May pakiramdam ako, Rica."

"Huh? Malamang, magtaka ka kung wala kang pakiramdam, tegi ka na no'n."

Inismidan ko siya sa biro niya. "Seryoso na, may kakaiba kay Teagan nitong mga nakaraan," pag-aamin niya.

"Kakaiba katulad ng ano? May babae?" Mabilis akong umiling sa hinuha niya. "Eh ano ba?"

"I-I think he'll propose to me." She whispered.

Nanlaki ang mata ni Rica saka esktraheradang tumili, natawa siya sa naging reaksyon ng kaibigan.  Inalog-alog pa nito ang balikat niya sa sobrang tuwa kaya hindi niya maiwasan mapangiti.

"Talaga? Nararamdaman mo ba? Yieh! Kakilig kainis maging single!" himutok ng babae.

Sasagot pa sana siya nang may kumatok sa pintuan ng kwarto kung nasaan sila nagpapahinga, bahagya niyang inayos ang buhok.

Sumilip doon ang isa katrabaho nila, sabay nilang binati.

"Good evening Ma'am. Uuwi ka na ba? Sabay-sabay na tayo."

Ngumiti ang babae.  "Uhm, sige ayos lang. Maiko, pinapatawag ka pala ni Miss sa office niya."

Napataas ang kanyang kilay. What now? Mag-aalas-diyes na ng gabi at tapos na ang shift nila, may nagawa ba siyang mali kanina?

"Ngayon na?" takang tanong ni Maiko.

Nag-aalangan tumingin siya sa kaibigan. "Mauna ka ng umuwi, Rica."

"Ayos ka lang? Hintay na lang kita, isasabay kita." Kadalasan kasi ay sinusundo siya ni Teagan pero ngayon ay baka mamasahe na lang siya.

Umiling siya bago binigyan ng ngiti ang kaibigan. "Hindi na, mauna ka na. See you tomorrow!"

Ang totoo ay malakas ang kabog ng kanyang puso, may nagawa ba siyang mali? Bakit naman siya ipapatawag? As far as she remember, she's good at her work.

"Hindi ko na patatagalin 'to Maiko. Kailangan namin magbawas ng empleyado ngayon, hindi malakas ang restaurant. Kahit ayaw ko man magtanggal ay wala akong magagawa."

Parang nabingi si Maiko sa sinabi ng amo nila, napakurap-kurap siya.

"P-Pero Ma'am..."

Tinapik ng Ginang ang balikat niya at naglapag ng sombre sa lamesa. "Pasensya na Maiko, hindi lang din naman ikaw ang inalis ko. Lima kayo. Iyan na ang huling sweldo mo at may dagdag pa. Iyan lang ang maibibigay ko, kapag naging maayos na ang restaurant, tatawagan ko ulit kayo."

Malakas na napabuntonghininga si Maiko habang naglalakad pauwi dahil hanggang sa kanto lang siya naihatid ng jeep na sinakyan niya.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang namumuong luha.

SDSS 5: GreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon