halik (one-shot)

964 11 3
                                    

Nasa backstage kami ng barkada ngayon, kakanta kami para sa battle of the bands, after nila Chris kami na ang susunod.

Naiinggit ako!!! Inaamin ko yun, pano ba naman kasi, ang swerte nila, este ni Chris, buti pa siya, tinitilian ni Aria, ang babaeng bumubuo ng araw ko.

Eh ako kaya? Tatalon talon din kaya siya at uubusin ang boses para saken?

Kunsabagay, popularity rin kasi, halos first year pa sila nung mag-umpisa silang sumali sa ganito, tas kami grade 6 palang nun, lagi lang namin silang pinapanood,

kung bakit naman kasi 3rd na kami saka lang namin naisipang sumali, eh di sana mas popular pa kami, di hamak naman na mas magaling at may ibubuga ang banda namin kaysa sa kanila,

o, ayan tapos na sila, kami naman ang susunod na magpapasikat, tungunu talaga nitong Chris na ‘to! Kayabangan talaga! Ipukpok ko sa’yo ‘tong gitarang hawak ko eh?!

Paglabas namin ng backstage, andaming bulungan, ka-year nga lang ata namin nagchi-cheer samin eh, asan na kaya si Aria?!! Halaaa!!! Nawawala si Aria?!!!

“>.>

O.o”

<.<”

“o.O

Ayun naman pala, lumipat lang ng upuan, kasama niya si Mitch, ang bff nea, as if naman, alam ko naman na dumayo lang yan dito para makita si Karl, ang kabarkada ko na super talented, buti pa si Karl alam niyang may #1 supporter siya, eh ako kaya?

Nagsimula na kami, si Karl ang sa organ,si Mike ang sa drums, si Rick ang sa base, at ako sa gitara, pero sa awa ng diyos, kasama ako ni karl sa pagkanta, sana lang hindi ako pumiyok?!

(stubbing)

Kumupas na,

Lambing sa ‘yong mga mata,

Nagtataka kung bakit yakap mo’y di na nadarama,

May mali ba akong nagawa,

Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita,

Bakit kaya,

Parang hindi ka na Masaya?

Nawala ako sa concentration kaya binalingan ko yung gitara na ginagamit ko,

Nawawala nanaman si Ariaaa!!!! Parang kanina lang lumipat na sa gilid tas ngayon si Mitch nalang andun?! Shet!!

Ika’y biglang natauhan

Umalis kaagad ng wala man lang paalam

Ang sabi ko hindi kita mamimiss

hanggang kelan kita matitiis….

My ghad!! Nawawala na talaga siya, napalingon ako kay Karl at Mike,

*flashback*

Habang nag-aayos kasi sila para sa foundation day ng school namin ngayon, dahil sa tumutulong silang mag-organize ,

Sila tuloy nagkakabit ng mga tarps, at kami, eto, taga-ayos nanaman sa mga booths.

Dahil sa pagod na kami, naisipan nalang namin maglaro, nag-spin the bottle kami, para kaming mga isip bata, kung anu-ano ginagawa namin, although 3rd year na kami, hindi parin talaga kami mature, sakto namang saken na natapat yung bote, sheeeet!!!!!

4th year na si Aria, at ako,3rd year palang, pero kahit ganon, mas matanda ako kaysa sa kanya, at dahil dun natural lang na maging close sila ni Chris, magka-batch sila eh, isa pa, grade 5 palang siya patay na patay na siya dun  sa kumag na yon, magaling na daw kasi mag-gitara, ang romantic pa ng boses kapag kumanta, sinong niloloko niya?

halik (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon