"ma'am i think we should go now, kanina pa naghihintay si boss" sabi ng diver ko.
Titig na titig ako sa sa labas ng sasakyan, nandito ako ngayon sa bahay kung saan ako tumira mula pagkabata hanggang 14 years old. Sa bahay kung saan ako namuhay na puno ng kasinungalingan. Sa bahay kung saan nabuo lahat ng hinanakit ko. Sa bahay kung saan ko nahanap ang tunay na pagkatao ko.
Naalala ko lahat ng pinagdaanan ko sa mga panahong iyon. Naalala ko kung paano ako nabuhay sa mundo ng kasinungalingan. Naalala ko kung paano ako nagmukang tanga sa harap ng nasabing 'pamilya' ko. Pagkatapos ng limang taon ngayon lang ulit ako nasaktan ng ganito.
Hindi ko napansin ang paglandas ng luha sa mata ko. Hindi ko na kaya pang magtagal dito. "Let's go" sabi ko sa driver ko.
Ako nga pala si Aliah .
Dumeretso ako dito, sa katunayan ay pagkababa ng eroplanong sinasakyan ko ay pumarito na ako. Well alam ko naman na hindi na sila dito nakatira. Ewan ko ba, kahit pa napakasakit ng napagdaanan ko rito at gusto ko paring bumalik. Pagkalipas ng limang taon ay ngayon ko lang muli masilayan ang bahay na ito.Kasabay ng paggalaw ng sasakyan ay nagbalik ang lahat ng alaala ko sa bahay na ito
YOU ARE READING
Changed By One Lie
RandomAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng puno ng sama ng loob ang puso. May lugar pa nga ba sa puso nito ang kapatawaran?