Paalam

13 1 0
                                    

Kyla's POV

Student's Fest ngayon pero hindi ako nag eenjoy.

"Bes punta muna kami sa Ferris wheel"

"Sige hintayin ko kayo dito"

Habang naka upo ako sa bench may lalaking umupo sa tabi ko.

"Pwede bang makiupo?"
Sabi nung lalaki.

Tumango nalang ako bilang pagtugon.

"Bat parang malungkot ka?''

"Wala ayaw ko lang talaga sa mga festival"

"Bakit?"

"Basta"

"Ano nga pala pangalan mo?"

"Kyla Reyes"

"Gabriel Hernandez"

After 5 minutes ng katahimikan.

"Punta tayo sa horror house"

"sige ba"

Buti nalang at libre lahat dito.

Habang papasok kami hinawakan ni Gabriel yung kamay ko.

"Wahhh!" sigaw ko at bigla akong niyakap ni Gabriel.

Nakayakap lang ako sa kanya hanggang sa paglabas.

"Hindi mo naman sinabi na takot ka pala sa multo" sabi ni Gabriel

"Dun nalang tayo sa Ferris Wheel"

"Sige ba"

Pagkatapos sa ferris wheel pumunta kami sa roller coaster at sa  iba pang rides.

"Meryenda muna tayo" sabi niya at tumayo para bumili.

Pagkabalik nya kumain na kami.

"Pwede pa picture?" sabi ko pero bigla syang nagseryoso.

"Ayoko" sabi niya

Inistolen ko nalang sya para may remembrance.

Pagkatapos kumain naglakad lakad muna kami.

"Babalik ka pa ba dito bukas?" tanong ko sa kanya

"Ewan baka hindi na"

"Bakit?"

"Aalis na ako "

"San ka pupunta?"

"Kung san ako nararapat"

"Sana magkita pa tayo"

"Sana nga"

Palapit ng palapit ang kanyang mukha at pinikit nya ang kanyang mata.
Pinikit ko na din ang aking mata at hinintay na dumampi ang kanyang labi.

Pero biglang

"Kyla!!"

Bigla akong lumingon sa likod at nakita ko ang bestfriend ko.

"Anong gingawa mo? Kanina ka pa namin hinahanap"

"Ok lang. Siya pala si Gabriel" sabi ko pero kumunot ang noo ni bes.

"Wala namang tao"

Tinignan ko pero wala na si Gabriel.

"Hindi mo ba nakita yung kasama ko kanina?"

"Wala ka namang kasama. Niloloko mo ba ako"

Teka may picture ako sa kanya.

Pero wala na yung picture nya sa cp ko.

"Pero kasama ko siya kanina"

"Sino?"

"Si Gabriel Hernandez"

Tumingin sakin si bes pero parang takot siya.

"Bes ok ka lang"

"Kyla, patay na si Gabriel"

"Anong patay?"

"Si Gabriel yung pinsan ko na may lihim na pagtingin sayo.  Yung ka textmate mo nung grade 9"

"Pero buhay siya"

Tumakbo ako palayo kay Ashley at nakarating ako sa bench na kung saan ko nakilala si Gabriel.

May nakita akong papel na  may nakasulat.

Dear Kyla,

Thank you dahil nakilala kita. Sana wag ka mabibigla na wala na ako.
Sana mananatili parin ako sa puso mo. Paalam Kyla.  Salamat sa lahat.

Nagmamahal,
Gabriel Hernandez.

One Shot Stories (Tagalog) (short stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon