15 - pieces ~

303 5 0
                                    

YANA's POV

Hinihingal na napahawak ako sa dibdib ko. I immediately went inside my car para makauwi na. I started the engine of the car and was about to move it when someone suddenly jumped in front of my car from somewehere.

Napalunok ako nang makita ko kung sino iyon. Mabilis kong iniyuko ang mukha ko dahil sa kaba na baka makilala niya ako. This is dangerous, Yana.

What is he even doing?!

"Fvck! Just stop it, Timothy. Hindi siya yan." Napahinga nalang ako ng malalim ng makita kong nagsimula nang maglakad palayo si Timothy. Naisubsob ko nalang ang mukha ko sa mga palad ko at doon inilabas ang mga luha ko. My shoulders started shaking againas I let my tears flow...

Lagi ka nalang bang iiyak, Yana?

Ganito nalang ba ako lagi? Walang araw na walang luhang lumalabas sa mga mata ko. Lagi nalang bang ganito? Nakakabwesit! Just get back to your sense, Yana!

Napapikit ako tsaka kinalma ang sarili ko. Tapos ay nagpasya akong bumalik na sa S Building at magpahinga.

KINABUKASAN ay tinatamad na pinatay ko ang alam clock ko. It's already 9 am and I still have things to do. Mabuti nalang at nag-text kagabi si Fawn na cancelled yung shoot ko kaninang 6 am. Humaba-haba ang tulog ko.

I went to the bathroom to take a bath tapos ay diretso ako sa kusina para kumain. I can cook, somehow. Natuto na rin ako pero yung basic lang talaga. Like prito-prito lang.

"Jesus Christ!? WHAT THE FVCK, ATHAN?!" Naisigaw ko nalang namg makita kong nakahilig na sa ambahan ng pinto ng kusina ko si Athan.

"You always cuss. Bad Yana." Napabusangot nalang ako tsaka inilagay sesa ang ham and eggs na niluto ko.

"'Wag ka ngang manggugulat." matigas kong sabi na ikinakibit balikat lang ng baliw. He even stole ham from my plate kaya napabuntong-hininga nalang ako.

"Bakit ka na naman ba nandito? And when will you stop trespassing my unit?" iritado kong sabi sa kanya. Ilang beses na niyang pinasok ang unit ko. Nakakainis lang. Wala ba siyang sariling unit?!

"First of all, hindi kita ginulat, pinsan. Pangalawan, papasok ako ng papasok dito hanggang hindi mo ibinabalik si Yana, you impostor!" Blangkong napatingin nalang ako kay Athan. Nabaliw na naman ata siya.

"Hala siya? Wala nang gamot?" I said with sarcasm but the idiot just shrugged me off and continued eating. Langya. Kaya naman ay nagluto nalang ulit ako para naman may kainin pa ang pinsan ko.

"Here, nakakahiya naman sayo." I blandly told Athan as I placed another plate of ham and egg in front of him. Balaura talaga.

"Hindi ka ba sasama kina Kuya Mau ngayon?" Tanong ni Athan habang kumakain. Natigil naman ako sa pagsimsim mula sa tasa ng kape ko dahil sa sinabi niya. Saan naman?

"May lakad pala sila?" Nagtataka kong tanong. Bakit hindi nang-aya.

"Oh! Umalis ka nga pala kahapon! Pupuntahan nila yung ex ni Andrei! Sa pagkakaalam ko ay hinihintay na nila si Timothy eh. Kakausapin raw ni kuya Devon." Lihim kong nahigit ang hininga ko dahil sa sinabi ni Athan. Timothy's with them?

Napatingin ako kay Athan nang maramdaman kong nakatitig lang siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi ko nagugustuhan ang mga tingin niya. Ano na naman kayang iniisip ng isang 'to?

"I wonder when you're gonna burst, cousin." Natigilan ako sa sinabi niya. He just looked at me with his signature soul shattering look.

"Anong sinasabi mo diyan?" Pagmamaang-maangan ko pa. I can't let my guards down when I'm with Athan. Athan might look stupid and crazy but he is good in reading people. Mabibigla ka nalang at ang dami na niyang napansin.

Samaniego Side Story 2: Keeping YanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon