Trishia's POV (na nasa katawan ni Kimmie)
"Hey..." Napatingin ako sa tumawag. Agad nawala ang sakit ng ulo ko nang makita ko siya.
"Kuya..." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Ngumiti siya. Agad namula ang mukha ko.
Kagigising ko lang. Di ko alam kung anong nangyayari pero alam kong may nangyayaring masama. Masakit ang ulo ko di gaya ng dati at nahihimatay ako bigla. Di yun normal at nung isang araw lang narinig ko si kuya Edgar na nakikipagsigawan sa labas ng kwarto ko. Sigurado akong iba na ang ibig sabihin nun at galit siya.
"Ayos lang ako, kuya." Sagot ko na agad. Alam ko kasing itatanong niya kung ayos lang ako. Lagi siya rito at kinukumusta ako. At masaya ako roon.
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Ang lakas mo kasi, eh." Heto na naman siya. Tinuturing akong bata. Napahawak ako sa puso ko dahil di normal ang pagtibok nito. Napatingin siya doon. Agad ko din naman yung binaba. "Ayos ka lang? May masakit ba sayo? Masakit ba dibdib mo?"
Umiling ako at ngumiti. "Masaya lang ako, kuya."
"May gusto ka bang kainin. May dala ako rito..."at may hinanap sa isang supot. Nagpatuloy siya sa pagsasalita pero di na ako nakinig.
Laging mabait sa akin si kuya at minsan naiisip ko na baka pareho kami ng nararamdaman sa isat isa. Sabi niya ispesyal ako para sa kanya at minsan sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Patuloy akong lumalaban dahil sa salitang yun. Kapag sumasakit ang ulo ko. Lagi kong naririnig ang bulong niyang 'lumaban ka' at 'mahal na mahal kita' kaya naisip ko na di sumuko para sa kanya. Mahal namin ang isa't isa. Siya ang dahilan kung ba't ako pumayag na makipagpalit ng katawan. Noon kasi habang nasa katawan ako ni ate Kimmie si kuya Edgar lagi ang kasama ko sa kwarto ko na parang kulungan kasi di nila ako pinapaalis.
"kuya..."
"Trisha?" Tumingin siya sa akin. Ngumiti siya.
"Mahal na mahal kita." Saad ko.
"Mahal na mahal rin kita." Yumakap ako sa kanya at binaon ang mukha ko sa balikat niya. Gusto ko dito lang sa tabi niya. I think this is where I belong. "Kaya nga wag kang susuko, ah. Balik ka lagi kay kuya." Tumango ako. Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko. "Balik ka lagi." Bulong niya.
Napatingin ako sa kamay ko. Ang payat payat ko na at ang putla. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at ngumiti sa kanya.
"Ba't naman ako susuko? Di pa naman ako mamamatay diba?" Nagulat siya sa sinabi ko at agad siyang napayuko. "Kuya?" Hinawakan niya ang kamay ko.
"Tama nga naman." At tumawa siya. Nag usap kami ng kahit ano. Movies, food, toys and person. Sabi niya ayaw niya sa mga tao rito. Sinabi ko naman. Bad yun. You can't hate a person if you don't know him/her enough. Minsan lang kami nagkakausap ni kuya Edgar kasi lagi akong tulog kapag nandiyan na siya. Kaya sinusulit ko talaga ang oras na nandito siya kagaya ngayon. Hinahawakan ko ang kamay niya lagi kapag nag uusap kami at minsan ay pinagsasalikop ko yun. Minsan ay nahuhuli niya akong ginagawa yun kaya namumula ang pisngi ko at minsan naman hindi o hinahayaan lang niya ako.
Bumukas ang pinto at sumilip ang isang doktor. Agad nawala ang ngiti ko at napatingin kay kuya. Alam ko an ibig sabihin nun. Tumayo siya. I don't want to let go of his hand. Napatingala ako kay kuya. Ngumiti siya sa akin at agad naman akong umiling. Alam kong aalis siya.
"Kuya.."
"Babalik rin ako..." Umiling ako.
"Dito ka lang..." Di ko parin binibitawan ang kamay niya. "Please?" Nangilid na ang luha ko. Di ko alam kung kaylan pa ako magigising kapag nakatulog ako ulit. "Kuya? Please... Dito ka lang... Wag..." Sumakit na naman ang ulo pero di ko yun ininda. "Wag... a'ako..iwan..." Nanghihina kong sabi. nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa machine sa tabi ko na ngayon ay gumagawa ng kakaibang tunog. "Wag...mo..iwan..." Agad pumasok ang mga doctor at kinalas ni kuya ang kamay niya. "Kuya!"
BINABASA MO ANG
My matured wife in a 8 year old body
Novela JuvenilShe's my fiance in a 8 year old body. Para siyang nakulong sa isang katawan ng bata. Matured siya mag isip. Baka nga may magic na naganap para makulong siya sa isang bata