LOCKPICKER!

4 0 0
                                    

January 22 2019. 4th Anniversary na pala namin ng lalaking pinakamamahal ko.
Naalala ko pa no'ng una kaming nagkita't nagkakilala.
Umiiyak ako no'n sa may tulay at balak na sanang huminto sa buhay, nang dumating siya at pinigilan ako sa binalak Kong gawin. Tinulak ko siya no'n at sinigawan. Pero Hindi man Lang siya nagalit sa'kin imbes ay niyakap niya ako ng mahigpit. Umiyak ako sa dibdib niya at nilabas lahat ng hinanakit sa Mundo.

"Sino bang nanakit sa'yo?"
Kalmado pero bakas Ang lungkot na tanong niya.

"Isang Tao na minahal ko ng higit pa sa sarili ko. Minahal ko Naman siya ah! Bakit niya ako niloko?"
Umiiyak paring sagot ko.

Inalo niya ako gamit Ang boses niyang malamig. Kinantahan niya ako no'n kahit Hindi pa kami lubos na magkakilala.

"Alam ko Kasi Kung gaano kasakit yang pinagdadaanan mo."
Sagot niya ng tanungin ko siya Kung Bakit niya ako dinaluhan.

Ang Sabi ko pa sa kanya no'n Hindi na ulit ako iiyak dahil sa isang lalaki at Hindi ko na ulit bubuksan Ang puso ko.

Pero isang taon Lang Rin Ang lumipas ng kainin ko lahat ng sinabi ko noon.

Nagmahal ulit ako at nahulog na Naman ulit ako. Nakakandado na Yong puso ko eh winala ko na 'yong Susi pero nagawa niya parin itong buksan. Napakalupet na lockpicker ng boyfriend ko. Hindi lang sa pintuan kundi pati narin sa puso.

"Sabi ko di na ako iiyak eh! Andaya mo naman eh!"

Nagsisimula ng magpatakan Ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng malamig na ulan sa aking katawan.

"Bakit mo Kasi ako iniwan? Bakit Di mo nagawang buksan Yong pinto? Namimiss na Kita ng sobra, sobra, sobra!"
Umiiyak ako habang kinakausap Ang puntod ng boyfriend ko.

Isang taon na magmula nang iwan niya kami.
Ni-lock siya sa isang bodega na punong puno ng mga usok na nakamamatay.

Habang inaalala ko ang kanyang itsura noong gabing iyon ay Di ko na Naman napigilan ang paghagulgol at Ang hinanakit na nilulunod Ang aking damdamin.

Pulang-pula Ang mata. Namumutlang mga labi. Nanlalamig na mga kamay at katawang punong-puno ng pasa.

Ayon sa resulta ng autopsy binugbog muna siya bago pinatay.

"Nabuksan mo nga 'yong puso ko, pero di mo nabuksan Ang pinto na magsasalba sa'yo."

Umaagos pa man Ang luha ay pilit ko paring pinatatatag Ang sarili ko. Huminga ako Ng malalim atsaka tumayo. Saglit Kong tiningnan Ang kanyang pangalan sa kanyang lapida bago ako tumalikod.

"I love you my lockpicker!"
Turan ko bago ko iwan Ang puntod Ng lalaking pinakamamahal ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOCKPICKERWhere stories live. Discover now