" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER EIGHT
"I'll agree with you princess. Mas mabuting mag-aral ka din ng self-defense as your father did before." Sabi ni Marga sa apo.
"Kahit naman ang asawa ng kuya ninyo mga apo hindi lang sa self-defense kundi marunong talaga siya sa mundo ng barilan. If I'm mistaken according to your big brother bago pa sila mag-asawa'y tigasin iyun at hindi natatakot na manugod lalo na kung nasa tamang landas kaya't sang-ayun din ako apo na dapat noon ka pa nag-aral self-defence." Ani pa ni grandpa Shane I.
"Iyun na nga po grandpa. Buwesit kasi ang mga iyun eh." Nakangusong sagot ng lalo na ng maalala ang nangyari sa park isang buwan na ang nakalipas pero dahil sa kasong hawak niya'y hindi niya napagtuunan ng pansin.
"Iyan na 'yung sinasabi namin sa iyo anak na kung ayaw mo sa kanila'y dapat kinakausap mo sila ng maayos. Pasalamat ka at si Elijah Gregg ang kasama mo that time dahil kung kagaya mong wala ding kaalam-alam sa depensa sa sarili'y baka sa basurahan na kayo pinulot." Sabi naman ng ama.
Sa pagkakarinig sa pangalan ng makulit niyang manliligaw ay napangiti siya. Sino ba ang mag-aakalang chef cook ay isa din pa lang martial arts master? Tinutuo pa nito ang araw-araw siyang pinagluluto ay mali silang lahat, bago pa man sumasapit ang tanghalian ay may tawag na ang binata na nandoon na ang lunch nila. Araw-araw itong nagluluto at araw-araw ding iba-ibang putahe ang ipinapadala sa tauhan nito.
"Sa lagay na iyan eh nag-iimagine ka na naman apo ko? Aba'y maano bang sagutin mo na ang tao para matigil na sa pagpapadala ng lunch natin dito aba'y nakakahiya din naman ah." Pamumutol ng kanyanh abuela.
Kaya naman ay napaismid siyang wala sa oras.
"Ay hindi ko siya sinabihang ipagluto tayo araw-araw siya ang nagkusa kaya't hayaan ninyo total gusto naman niya eh." Kipot-ngusong sagot niya.
"Tama iha kagustuhan niyang ipagluto tayong lahat dahil gusto niyang patunayan na seryoso siya sa panunuyo sa iyo. Kung may pag-asa siya sa iyo sagutin mo na kung wala naman ay maano bang tapatin mo na kawawa naman siya. According to our information siya ang panganay na anak ni mastet Greg at siya ang namumuno sa Master Gregory James Gymnasium na itinatag ng ama niya noong kapanahunan, hindi lang iyun apo siya pa ang namamahala sa sarili niyang restaurant sa tabi mismo ng gymnasium THE COUNTRY RESTAURANT ibig sabihin ay abala siyang tao pero pinapatunayan lang sa iyo na mahal ka niya kaya't binibigyan ka ng oras at importansiya." Muli ay sabi ng abuela.
"Hmmm hindi naman siguro siya nagmamadali grandma kasi eh baka isipin pa niyang--"
Kaso ang bunso naman niyang kapatid ang namutol sa pananalita niya.
"Kung iniisip mong baka isipin niyang easy to get ka, malabo iyan kapatid dahil ang taong tulad niya'y mau matinong pag-iisip. Hindi ka pagkakaabalahan noon kung ganyan ang iniisip sa iyo kaya't kung ako sa iyo sagutin mo na kaysa naman para lang baby diyan. Ayaw mo ba no'n may taga-luto na ang tulad mong hindi marunong magluto, may taga-depensa pa abah kapag nagkataon baka libre pa ang pagtuturo sa iyo ng martial arts." Ani 'to na agad nagtago sa likod ng ama dahil ang taklesang hindi marunong magluto'y handang manapak!
What's happening on earth!
Anong ipinakain ng master chef sa kanila at mukhang mas atat pa sila kaysa sa kanyang sagutin ito!
"Paano ko sasagutin ang tao eh wala naman dito sir principal? Ikaw ha kulang na lang ay palayasin mo ako dito. Humanda ka dahil kapag oras na ako ang matututong mangarate'y ikaw ang kauna-unahang papaliparin kong walang pakpak!" Ingos niya dito saka naglakad patungo sa hagdan upang aakyat sana sa kuwarto kaso...
BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Narrativa generaleGeneral Fiction/ Romance/ Drama