One ...

172 5 3
                                    

 A Short Story by: Jazzy Sy

Book Cover By: FluffyMich (my ever dearest supportive best friend)

All Right Reserved 2012

A/N:

Ito ay bunga lamang ng aking malanding imahinasyon. Naglalaman lamang ito ng 3 hanggang 5 chapters depende kung hanggang saan aabutin. Sana ay magustuhan nyo. Maraming Salamat. :D

 

***

___________________________________

Pinuntahan ko siya kahit dalawang oras ang byahe ng tinitirhan niya sa bahay namin...

Kahit nayanig ang buong mundo ko nung tumawag siya.

Nagsayang ako ng pera at effort makita ko lang siya

Kahit nadudurog ang puso ko nung malaman kong nasasaktan siya.

Bakit? 

Because, I'm his Best Friend.

 

***

Pats is my best friend since grade school. Ewan ko ba kung paano kami nagkasundo nun.I used to call him Pats kasi patpatin at lampa siya noon ni hindi nga ako maipagtanggol nun dati sa mga nambubully sa akin eh.

Nung high schoool naman babaero at basagulero. Ang problema wala ng kahit isang lumalapit na lalaki sa akin dahil takot sa kanya. Wala ring nagtangkang manligaw dahil tinatakot o kaya naman pinagbabantaan niya. Okay lang naman sa akin yun dahil wala pa naman sa isip ko nun ang ligaw ligaw, at pagboboyfriend pero syempre gusto ko naman maranasan ang maligawan at makijamming sa ibang guys bukod sakanya pero hindi pwede. Wala naman akong magawa kasi nga best friend nya ko.  Dapat lagi akong nasa tabi nya. 

Nagbago ang lahat nung dumating ang nagpatibok ng puso niya. Tumino at naging mahinahon siya sa lahat ng bagay nung nakilala nya si Cindy. Gusto ko kapag nagkaboyfriend ako parang siya dahil sa laki ng respeto at kabaitan na pinapakita niya sa gf niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because I'm His Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon