"Kausapin mo na ang lahat, 'wag lang ang baklang 'yan, attitude si siz ih."
Sabi ni Cath, bestfriend ni Andy. Kakatransfer niya lang kasi sa isang pribadong paaralan sa Maynila at nagbibilin sa kanya ang mama niya—ay este bestfriend pala."Kailan ba 'ko nagkaroon ng interes sa maaattitude?" Kunwaring mataray at nakataas ang kilay na tugon ni Andy kahit 'di siya marunong no'n, LOL.
"Ngayon lang. Duh, siya yung tinitingnan mo kanina pa. Akala mo hindi ko napansin, girl? Hello, ayos ka lang ba?"
Natatawang puna ni Cath."Ay, sorry mama, akin ha, akin." pabirong tugon ng dalaga sabay tingin muli sa tinitingnan niya kanina pa, na siyang ikinatawa naman ng matalik na kaibigan niya.
"May chika sana ako sa'yo kaso ayaw mo magcutting kaya kita na lang tayo mamayang second break time natin. See ya!"
At nagflying kiss pa ito sa kanya.
Ngumiti lamang siya rito at sinabing 'utot' bilang tugon.Sa kanilang dalawa kasi, si Andy ang higit na full package kung tutuusin. Matalino na, masunurin pa sa lahat ng bagay. 'Di lang 'yon, dahil malakas din ang since-of-you-more ng dalaga. Bukod pa rito, mukha siyang laging masayahin na Koreana dahil sa kasingkitan nito. At higit sa lahat, siya'y well-raised ng kanyang pamilya. Hindi siya katulad ng ibang tipikal na babaeng mayaman na laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks. Chour.
Agad na kinabahan si Andy. May social anxiety kasi ito at nakalimutan ata ng mama—ay chour, bestfriend niya na ihatid siya sa kanyang classroom. Kung ibebenta si Andy, ito ang isa sa mga cons na katangian niya.
'Mama help..'
Hindi maisatinig na hinging tulong ng dalaga.Agad na sinuyod ng kanyang tingin ang kanyang paligid at humanap ng mauupuan sa canteen.
Medyo puno iyon dahil tanghali na, 11:56 am to be exact.
Inilabas niya ang kanyang registration form para makita ang iskedyul ng klase niya.'Hays, kaya ko 'to mamsh. May numbers naman kada room e.'
Isip-isip nito. Nakalagay kasi sa regform niya ay building 1, room 112. Naglakad na lamang siya habang nakatingin sa mga asignaturang meron siya sa araw na 'yon, nang bigla siyang may mabangga."What a stupid mother fucker." Ungol ng dalagang nabangga niya at nahulog ang mamahaling cellphone nito.
Iphone 11 pro, nice. Lagot ako.
YOU ARE READING
Binatang Dalaga
RomanceAndrelei Suarez is the most ideal girl you'd ever encounter- by the looks, skin, body, attitude, cleverness and sense of humor. She got everything that a girl could wish for. She once had her bestfriend named, Cathleen that she treasured, a lot. But...